Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“Pamilyar ang mga tao sa buong daigdig kay Jesu-Kristo. Sinasabi ng ilan na isa lamang siyang kahanga-hangang tao. Sinasamba naman siya ng iba bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Sino sa palagay mo si Jesu-Kristo? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag mismo ng magasing ito kung sino siya, kung saan siya nagmula, at kung nasaan na siya ngayon.” Basahin ang Juan 17:3.
Gumising! Set. 22
“Maraming tao ang walang disenteng tirahan. Sa palagay mo kaya ay magkakaroon ng sapat na pabahay para sa lahat ng tao balang-araw? [Hayaang sumagot.] Itinatampok ng Gumising! ang pinakabagong ulat hinggil sa krisis sa pabahay. Ipinakikita rin nito kung bakit tayo makapagtitiwala na matutupad ang pangakong ito ng Diyos.” Basahin ang Isaias 65:21, 22.
Ang Bantayan Okt. 1
Basahin ang tanong sa pabalat. Pagkatapos ay itanong: “Alam mo ba kung anong tanda ang tinutukoy nito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Mateo 24:3.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang limang pangunahing bahagi ng tanda at ipinaliliwanag nito kung bakit kailangang makilala natin ang mga ito.” Ipakita ang kahon sa pahina 6.
Gumising! Okt. 8
“Ang pag-abuso sa alak ay nagdudulot ng napakaraming problema. Ipinakikita ng magasing ito ang epekto ng alak sa katawan. [Ipakita ang larawan sa pahina 7.] Tinatalakay ng mga artikulong ito kung paano makalalaya ang mga tao mula sa pag-abuso sa alak at kung ano ang magagawa ng iba upang makatulong.”