Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Maraming tao ang nababahala na masyado nang sinasamantala ng mga negosyante ang kapaskuhan para kumita. Sa palagay mo kaya’y naiba na ang tunay na layunin nito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano nagbago ang mga kaugalian sa kapaskuhan sa paglipas ng panahon. Tinatalakay rin nito kung paano natin tunay na mapararangalan ang Diyos at si Kristo.” Basahin ang Juan 17:3.
Gumising! Dis. 22
“Mga 85 taon na ang nakalilipas, isang epidemya ang kumitil sa buhay ng mas maraming tao sa loob ng 24 na linggo kung ihahambing sa pinatay ng AIDS sa loob ng 24 na taon. Tinatawag ito ng iba bilang ang pinakamalubhang salot sa kasaysayan. Pamilyar ka ba sa trangkaso Espanyola? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung posible nga bang mangyari uli ang gayong epidemya. Nagbibigay rin ito ng pag-asa.” Basahin ang Isaias 33:24.
Ang Bantayan Ene. 1
“May kakayahan ang mga tao na gumawa ng maraming mabubuting bagay, pero napakasasamang bagay naman ang madalas na ginagawa nila. Napag-isip-isip mo na ba kung bakit? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito ang sagot ng Bibliya. Ipinaliliwanag din nito kung paanong sa dakong huli ay magtatagumpay ang mabuti sa masama.” Basahin ang Roma 16:20.
Gumising! Ene.
“Sa palagay mo, ano na kaya ang mangyayari sa daigdig mga 20 o 30 taon mula ngayon? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 119:105.] Ipinaliliwanag ng Bibliya kung ano ang magaganap sa hinaharap at kung ano ang magiging kinabukasan natin. Sinusuri ng magasing ito ang mga hulang nagpapakita kung nasaan na tayo sa agos ng panahon at kung bakit tayo makaaasa ng isang magandang kinabukasan.”