Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 1
“Dahil sa pang-aabuso sa likas na yaman ng ating planeta, naisip mo na ba kung makaliligtas ang lupa? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang nakaaaliw na pangakong ito. [Basahin ang Awit 104:5.] Ipinakikita ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya na mangyayari sa lupa sa hinaharap.” Itampok ang artikulong nasa pahina 10.
Gumising! Abr.
“Sa dami ng kailangan nating gawin, nahihirapan ang marami na maglaan ng panahon para sumamba sa Diyos. Totoo rin ba iyan sa iyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Efeso 5:15-17.] Inihaharap ng artikulong ito ang makatuwirang paliwanag ng Bibliya tungkol sa kung gaano karaming panahon at lakas ang inaasahan ng Diyos na ibibigay natin sa kaniya.” Itampok ang artikulong nasa pahina 20.
Ang Bantayan Mayo 1
“Sinasabi ng maraming tao na naniniwala lamang sila sa kanilang nakikita. Sang-ayon ka ba sa kanila? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Roma 1:20.] Itinatampok ng magasing ito ang tatlong katangian ng Diyos na malinaw nating makikita sa paglalang. Tinatalakay nito kung paano makaaapekto sa atin ang mga katangiang ito.”
Gumising! Mayo
“Kinatatakutan ng maraming tao sa ngayon ang hinaharap. Sa palagay mo, bubuti ba o lalala pa ang mga bagay-bagay? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit tayo makapagtitiwalang malapit nang lutasin ng Diyos ang mabibigat na problema na hindi kayang lutasin ng tao.”