Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 1
“Kinikilala ng mga eksperto na mahalaga ang papel ng ama sa pamilya. Para sa iyo, ano ang isang mabuting ama? [Hayaang sumagot.] Idiniin ni Jesus kung paano nakatulong sa kaniya ang halimbawa ng kaniyang Ama. [Basahin ang Juan 5:19.] Isa-isang tinatalakay ng artikulong ito ang anim na mahahalagang punto hinggil sa papel ng ama sa pamilya.” Itampok ang artikulo sa pahina 18.
Gumising! Okt.
“Nagkakasalungatan ang pananaw ng mga tao sa iba’t ibang relihiyon kung ano talaga ang anyo at mga katangian ng Diyos. Pero paano kaya Siya inilarawan ng Anak ng Diyos? Pansinin ang sinabi ni Jesus sa Juan 4:24. [Basahin.] Sa dalawang pahina lang, inihaharap ng artikulong ito ang pangmalas ng Bibliya sa tanong na ‘Ano ang anyo at mga katangian ng Diyos?’” Itampok ang artikulo sa pahina 24 at 25.
Ang Bantayan Nob. 1
“Maraming tao ang naniniwala na maibigin ang Diyos, pero hindi nila maintindihan kung bakit may turo na nagpapahirap siya nang walang hanggan. Ikaw, ano naman ang paniniwala mo? [Hayaang sumagot.] Malinaw na itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay hindi nalulugod sa pagpapahirap at hindi siya mapaghiganti. [Basahin ang Ezekiel 18:23.] Magugustuhan mo ang paliwanag ng Kasulatan na tinatalakay sa magasing ito.”
Gumising! Nob.
“Kapag pinag-uusapan ang tagumpay, madalas na naiisip ng mga tao ang katanyagan, kayamanan, o kapangyarihan. Para sa iyo, paano mo masasabing matagumpay ang isa? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung paano magtatagumpay ang isang tao ayon sa Bibliya. [Basahin ang Awit 1:1-3.] Tinatalakay ng artikulong ito ang anim na susi sa tagumpay.” Itampok ang artikulo sa pahina 6.