Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/09 p. 2
  • Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • “Ito ang Kahulugan ng Pag-ibig sa Diyos”
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Ang Pag-ibig ng Diyos ay Walang Hanggan
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 1/09 p. 2

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

1. Bakit inilathala ang aklat na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos?

1 Talagang pinananabikan natin ang pagtalakay sa bagong aklat na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya pasimula sa linggo ng Pebrero 23! Ang liham ng Lupong Tagapamahala para sa bawat isa na umiibig kay Jehova ay nagtapos sa ganitong mga pananalita: “Lubos kaming umaasa na ang publikasyong ito ay makatutulong sa iyo na patuloy na ikapit ang katotohanan sa iyong buhay at sa gayo’y manatili sa ‘pag-ibig ng Diyos’ na may pag-asang makamit ang buhay na walang hanggan.—Judas 21.”

2. Sa anong mga aspekto ng buhay tayo matutulungan ng aklat na ito?

2 Kung Ano ang Maaasahan Natin: Paano kumakapit ang mga simulain ng Bibliya sa mga aspekto ng buhay may kinalaman sa pakikipagsamahan, paglilibang, paggalang sa awtoridad, pag-aasawa, paggawi, pananalita, at mga kaugalian? Tutulungan tayo ng aklat na ito na mahubog ang ating budhi ayon sa matataas na pamantayan ng katuwiran na isinisiwalat sa Salita ng Diyos. (Awit 19:7, 8) Habang lumalalim ang ating pagkaunawa sa mga kaisipan ni Jehova, magkakaroon tayo ng higit na pagnanais na paluguran siya, at iyon ang mag-uudyok sa atin na maging masunurin sa kaniya sa lahat ng aspekto ng buhay.—Kaw. 27:11; 1 Juan 5:3.

3. Bakit natin dapat gawin ang ating buong makakaya para makabahagi sa lingguhang pagtalakay sa aklat?

3 Maging Determinado na Makibahagi: Tuwing naghahanda ka sa aklat na ito, gawing tunguhin na purihin ang Diyos sa gitna ng kaniyang nagkakatipong bayan. (Heb. 13:15) Sama-samang pag-aaralan ng buong kongregasyon ang publikasyong ito. Yamang mas maikling materyal ang tatalakayin bawat linggo, makapaghahanda tayong mabuti. Sa gayon, magkakaroon tayo ng higit na kumpiyansa na ibahagi sa iba ang ating natutuhan mula sa ating paghahanda. Ang ating pinaghandaang mabuti at maikling mga komento ay mag-uudyok sa iba sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, at makadaragdag sa masigla at makabuluhang pagtalakay sa materyal. (Heb. 10:24) Gayundin, malulubos ang ating kagalakan kapag ang bawat isa sa atin ay nagpahayag ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagkokomento.

4. Bakit napakahalagang sundin natin ang mga utos ni Jehova?

4 Noong huling gabi ni Jesus sa lupa bilang tao, ipinaliwanag niya na mahalaga ang pagsunod sa mga utos ni Jehova upang manatili sa pag-ibig ng Diyos. (Juan 15:10) Sa tulong ng aklat na Pag-ibig ng Diyos, magiging mas determinado tayo ngayon na ikapit ang mga simulain ng Bibliya sa pang-araw-araw na buhay at ‘manatili sa pag-ibig ng Diyos.’—Jud. 21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share