Hindi Na Tatalakayin ang Pang-araw-araw na Teksto sa mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan
Noon, maaaring kasama sa mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan ang maikling pagtalakay sa pang-araw-araw na teksto kung may kaugnayan ito sa ministeryo. Ngayon, magkakaroon ng pagbabago. Ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw ay hindi na tatalakayin sa mga pagtitipon para sa paglilingkod. Gaya ng dati, maaaring gamitin ng mga mangangasiwa rito ang Bibliya, Ating Ministeryo sa Kaharian, aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, Nangangatuwiran, at iba pang materyal na may kaugnayan sa ministeryo. Ang mga inatasang mangasiwa ay dapat handang magbigay ng mga praktikal na mungkahi na makatutulong sa mga makikibahagi sa ministeryo sa araw na iyon. Tulad ng dati, hindi dapat lumampas nang 10 hanggang 15 minuto ang pagtitipon at dapat mas maikli pa kung kasunod ito ng pulong ng kongregasyon.