Gamitin ang mga Ito sa Halip na Matambak
Sa maraming kongregasyon, naiipon ang suplay ng matatagal nang publikasyon. Bakit hindi kumuha ng mga kopya para sa iyong personal na aklatan? Malamang na nababasa mo ang mga ito mula sa Watchtower Library. Pero may pakinabang din sa pagkakaroon ng personal na kopya. Mayroon ka bang masulong na estudyante sa Bibliya? Himukin siya na kumuha ng matatagal nang publikasyong ito para magkaroon siya ng personal na aklatan. Dapat tiyakin ng tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo na ang aklatan sa Kingdom Hall ay may kopya na ng matatagal nang publikasyong nasa suplay ng kongregasyon. Kapaki-pakinabang pa rin ang mga publikasyong ito. Mas mabuting gamitin natin ang mga ito sa halip na matambak sa kongregasyon!