Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado sa Hunyo
“Lahat tayo ay namatayan na ng kapamilya o kaibigan. Gusto mo ba silang makitang muli? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang nakaaaliw na pag-asang ito.” Basahin at talakayin ang materyal sa unang subtitulo sa pahina 16 ng Hunyo 1 isyu ng Ang Bantayan at ang isa sa siniping teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik para talakayin ang sagot sa kasunod na tanong.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Marami sa atin ang hiráp na hiráp na pagkasiyahin ang kita, at ang ilan naman ay walang-wala. Sa palagay mo, darating pa kaya ang panahon na wala nang mahirap? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 9:18.] Tinatalakay ng magasing ito ang sanhi ng kahirapan at kung ano ang sinasabi ng Bibliya na tunay na solusyon sa problemang ito.”
Gumising! Hunyo
“Laganap sa buong daigdig ang terorismo. Bakit kaya? [Hayaang sumagot.] Binibigyan tayo ng Bibliya ng pag-asa. [Basahin ang Awit 72:7, 14.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit laganap ang terorismo. Ipinakikita rin nito kung paano at kailan magwawakas ang terorismo.”