Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
1. Anong publikasyon ang inilabas sa 2010 na pandistritong kombensiyon, at paano natin ito gagamitin?
1 Tuwang-tuwa tayo nang inilabas ang bagong aklat na ito noong 2010 “Manatiling Malapít kay Jehova!” na Pandistritong Kombensiyon! Itinatampok ng publikasyong ito ang mga aral mula sa mga aklat ng Jeremias at Panaghoy na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay. (Roma 15:4) Dinisenyo ito para sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Pag-aaralan ito simula sa linggo ng Nobyembre 5, 2012.
2. Paano tayo makikinabang sa pag-aaral ng mga aklat ng Bibliya na Jeremias at Panaghoy?
2 Kapaki-pakinabang Ngayon: Si Jeremias, na sumulat ng kinasihang aklat na ito ng Bibliya, ay nanghula noong magulong panahon sa Juda. Sa simula, iniisip niyang hindi siya kuwalipikado sa kaniyang atas. (Jer. 1:6) Pinag-usig din siya ng mga kakilala niya at marahil ng mga kamag-anak mula sa kaniyang sariling bayan, ang Anatot. (Jer. 11:21, 22) Hindi kataka-taka na kung minsan ay nasisiraan ng loob si Jeremias. (Jer. 20:14) Habang ginagawa natin ang ating atas na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa,” madalas na dumaranas tayo ng mga problema at nasisiraan din ng loob gaya ni Jeremias. (Mat. 28:19) Ang pag-aaral ng aklat na isinulat niya ay tutulong sa atin na isagawa ang ating ministeryo nang may kumpiyansa at sigasig.
3. Paano natin gagamitin ang mahahalagang bahagi ng aklat na Jeremias?
3 Mahahalagang Bahagi: Ang mga susing teksto na dapat basahin sa panahon ng pagtalakay ay nakaitaliko. Sa dulo ng pag-aaral linggu-linggo ay may isa o dalawang mahalagang tanong na nasa makakapal na letra na nagtatampok ng pangunahing mga punto na pinag-aralan. Ito ay dapat itanong bilang repaso. Mayroon itong magagandang ilustrasyon na tiyak na gustong komentuhan ng mga kapatid.
4. Paano tayo makikinabang nang husto sa pag-aaral ng aklat na Jeremias?
4 Upang makinabang nang husto, patiunang paghandaan ang pag-aaralan. Hanapin ang mga puntong magagamit mo sa iyong buhay at ministeryo. Lubusang makibahagi sa pagkokomento. Sa tulong ni Jehova, nagampanan ni Jeremias ang kaniyang atas nang may kagalakan at pagkakontento. (Jer. 15:16) Nawa’y matulungan tayo ng pag-aaral sa bagong publikasyong ito na isagawa ang ating ministeryo sa gayunding paraan.