Ang Ating Opisyal na Web Site—Gamitin Ito sa Inyong Personal at Pampamilyang Pag-aaral
Basahin ang Pinakabagong Magasin sa Internet: Basahin ang Bantayan at Gumising! sa Internet ilang linggo bago pa matanggap ang mga ito sa kongregasyon. Pakinggan ang audio recording ng magasin.—Puntahan ang “Publikasyon/Magasin.”
Basahin ang mga Artikulong Nasa Web Site Lamang: Ang ilang artikulo, gaya ng “Para sa mga Kabataan,” “Mga Leksiyon Ko sa Bibliya,” “Repaso Para sa Pamilya,” at “Tanong ng mga Kabataan,” ay lalabas lamang sa ating Web site. Puntahan ang site at gamitin ang ilan sa mga artikulong ito sa inyong personal at pampamilyang pag-aaral.—Puntahan ang “Turo ng Bibliya/Mga Bata” o “Turo ng Bibliya/Tin-edyer.”
Alamin ang Pinakabagong Balita: Basahin ang nakapagpapatibay na mga ulat at karanasan, at panoorin ang mga video tungkol sa pagsulong ng ating gawain sa buong daigdig. Makatutulong sa atin ang mga ulat tungkol sa mga sakuna at pag-uusig na maging espesipiko sa pananalangin para sa ating mga kapatid. (Sant. 5:16)—Puntahan ang “News.”
Mag-research Gamit ang Aklatan Online: Kung mayroon nito sa inyong wika, gamitin ang inyong computer o mobile device para basahin ang teksto sa araw-araw. Puwede ring gamitin ang feature na ito para makapag-research sa mga kamakailan nating publikasyon.—Puntahan ang “Publikasyon/Aklatan Online,” o i-type ang www.wol.jw.org/tl sa inyong Internet browser.
[Dayagram sa pahina 4]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Subukan Ito
1 I-click ang larawan o ang link na “I-download.” Lalabas ang larawan sa PDF format. I-print ito at pasagutan sa inyong anak ang naimprentang pahina.
2 I-click ang “Play” para mapanood ang video.