Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/13 p. 1
  • “Lubusang Magpatotoo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Lubusang Magpatotoo”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Determinado na Lubusang Magpatotoo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Maging Masikap sa “Lubusang Pagpapatotoo”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Sinanay Upang Lubusang Magpatotoo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang House-to-House Record
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
km 1/13 p. 1

“Lubusang Magpatotoo”

1. Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni apostol Pablo sa ministeryo?

1 “Lubusan mong ganapin ang iyong ministeryo.” (2 Tim. 4:5) Tiyak na may kalayaang nasabi ni apostol Pablo ang payong ito kay Timoteo. Sa katunayan, mula 47 hanggang 56 C.E., natapos ni Pablo ang tatlong paglalakbay bilang misyonero. Paulit-ulit na binabanggit sa aklat ng Mga Gawa na ‘lubusang nagpatotoo’ si Pablo. (Gawa 23:11; 28:23) Paano natin siya matutularan sa ngayon?

2. Paano tayo lubusang makapagpapatotoo sa bahay-bahay?

2 Sa Bahay-bahay: Para makausap ang mga may-bahay na hindi pa nakaririnig ng mabuting balita, baka kailangan nating dumalaw sa ibang oras. Ang ulo ng pamilya ay maaaring nasa tahanan sa gabi o sa dulo ng sanlinggo. Dapat nating sikaping may makausap sa bawat bahay, anupat paulit-ulit na dumadalaw sa mga bahay na wala tayong nadaratnang tao. Paano kung hindi pa rin natin sila makausap? Marahil makatutulong ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng liham o telepono.

3. Sa anu-anong pagkakataon maaari kang magpatotoo sa pampublikong mga lugar at sa di-pormal na paraan?

3 Sa Pampublikong mga Lugar at sa Di-pormal na Paraan: Ipinahahayag ng mga lingkod ni Jehova sa ngayon ang “tunay na karunungan” sa lahat ng makikinig. Kung minsan, ginagawa ito sa “lansangan” o “mga liwasan.” (Kaw. 1:20, 21) Sa araw-araw na gawain, iniisip ba nating magpatotoo? Masasabi bang tayo’y “lubhang abala sa salita”? (Gawa 18:5) Kung gayon, tinutupad natin ang ating obligasyon na “lubusang magpatotoo.”—Gawa 10:42; 17:17; 20:20, 21, 24.

4. Paano nakatutulong ang panalangin at pagbubulay-bulay upang lubusan tayong makapagpatotoo?

4 Kung minsan, dahil sa personal na kahinaan o pagiging mahiyain, baka atubili tayong magpatotoo. Tiyak na nauunawaan ni Jehova ang ating mga limitasyon. (Awit 103:14) Gayunman, sa ganiyang sitwasyon, maaari tayong manalangin para bigyan Niya tayo ng lakas ng loob na magsalita. (Gawa 4:29, 31) At sa ating personal na pag-aaral at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos, maaari tayong magpokus na pasidhiin ang ating pagpapahalaga sa nakahihigit na halaga ng mabuting balita. (Fil. 3:8) Mauudyukan tayo nito na ipahayag ito nang may sigasig!

5. Paano tayo makikibahagi sa katuparan ng hula ni Joel?

5 Inihula ni propeta Joel na bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova, ang bayan ng Diyos ay ‘patuloy na hahayo’ at hindi nila hahayaan ang anuman na humadlang sa kanilang pangangaral. (Joel 2:2, 7-9) Gawin nawa natin ang ating buong makakaya sa gawaing ito ng pagpapatotoo na hindi na kailanman mauulit!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share