KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EZRA 6-10
Gusto ni Jehova ng mga Lingkod na Handang Sumunod sa Kaniya
Naghanda si Ezra sa pagbabalik sa Jerusalem
Si Ezra ay tumanggap ng pahintulot mula kay Haring Artajerjes na makabalik sa Jerusalem para pasulungin doon ang pagsamba kay Jehova
Ipinagkaloob ng hari kay Ezra ang “lahat ng kahilingan niya” para sa bahay ni Jehova—ginto, pilak, trigo, alak, langis, at asin, na nagkakahalaga ngayon nang mahigit $100,000,000 (U.S.)
Nagtiwala si Ezra na poprotektahan ni Jehova ang Kaniyang mga lingkod
Mahirap ang paglalakbay pabalik sa Jerusalem
Ang posibleng ruta ay halos 1,600 kilometro (1,000 mi) at mapanganib ang teritoryong daraanan
Tumagal nang mga 4 na buwan ang paglalakbay
Ang mga nagsibalik ay dapat na may matibay na pananampalataya, sigasig sa tunay na pagsamba, at lakas ng loob
NAGLAKBAY SI EZRA DALA ANG . . .
Ginto at pilak na tumitimbang nang mahigit 750 talento, o kasimbigat ng mga 3 adultong elepante ng Aprika!
MGA HAMONG NAPAHARAP SA MGA NAGSIBALIK . . .
Mga pangkat ng mandarambong, disyerto, mapanganib na mga hayop