KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ESTHER 1-5
Nanindigan si Esther Para sa Bayan ng Diyos
Nagpakita si Esther ng kahanga-hangang pananampalataya at lakas ng loob nang ipagtanggol niya ang bayan ng Diyos
Ang pagharap sa hari nang hindi ipinatatawag ay maaaring mangahulugan ng kamatayan. Hindi inanyayahan ng hari si Esther sa loob ng 30 araw
Si Haring Ahasuero, na ipinalalagay na si Jerjes I, ay marahas. Minsan, ipinag-utos niyang hatiin ang katawan ng isang tao at idispley ito bilang babala sa iba. Inalis din niya si Vasti sa pagiging reyna nang hindi ito sumunod sa kaniya
Kailangang isiwalat ni Esther na isa siyang Judio at kumbinsihin ang hari na dinaya ito ng pinagkakatiwalaan niyang tagapayo