KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ESTHER 6-10
Mas Mahalaga kay Esther si Jehova at ang Kaniyang Bayan
Si Esther ay matapang at di-makasarili sa pagtatanggol kay Jehova at sa Kaniyang bayan
Ligtas na sina Esther at Mardokeo. Pero ang utos ni Haman na patayin ang lahat ng Judio ay naipadala na sa buong imperyo
Muling isinapanganib ni Esther ang kaniyang buhay, at humarap sa hari nang walang paanyaya. Tumangis siya para sa kaniyang mga kababayan at nakiusap sa hari na pawalang-bisa ang utos
Ang kautusan na may lagda ng hari ay hindi na puwedeng bawiin. Kaya binigyang-awtoridad ng hari sina Esther at Mardokeo na gumawa ng isang bagong kautusan
Isang malaking tagumpay ang ibinigay ni Jehova sa kaniyang bayan
Naglabas ng ikalawang utos na nagbibigay-karapatan sa mga Judio na ipagtanggol ang kanilang sarili
Sakay ng mga kabayo, mabilis na inihatid ito sa buong imperyo, at naghanda ang mga Judio sa pakikipaglaban
Nakita ng marami ang ebidensiya ng pagsang-ayon ng Diyos at naging mga proselitang Judio