Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb16 Hunyo p. 3
  • Magtiwala kay Jehova at Gumawa ng Mabuti

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magtiwala kay Jehova at Gumawa ng Mabuti
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Magkaroon Ka ng Masidhing Kaluguran kay Jehova’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Awit 37:4—“Magkaroon Ka ng Kasiyahan sa PANGINOON”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Kay Jehova Ka Magtiwala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Magtiwala kay Jehova Habang Papalapit ang Wakas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
mwb16 Hunyo p. 3

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 34-37

Magtiwala kay Jehova at Gumawa ng Mabuti

“Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan”

37:1, 2

  • Huwag hayaang maapektuhan ng pansamantalang tagumpay ng masasama ang paglilingkod mo kay Jehova. Magpokus sa espirituwal na mga pagpapala at mga tunguhin

“Magtiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti”

37:3

  • Magtiwalang tutulungan ka ni Jehova na maharap ang anumang pag-aalinlangan o kabalisahan. Tutulungan ka niya na makapanatiling tapat

  • Maging abala sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos

“Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova”

37:4

  • Magkaroon ng iskedyul sa pagbabasa ng Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito sa layunin na higit pang makilala si Jehova

“Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad”

37:5, 6

  • Lubos na magtiwala na tutulungan ka ni Jehova na harapin ang anumang problema

  • Patuloy na magpakita ng mabuting paggawi kahit na sinasalansang ka, inuusig, o sinisiraan

“Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova at hintayin mo siya nang may pananabik”

37:7-9

  • Huwag magpadalos-dalos dahil maaaring mawala ang iyong kagalakan at espirituwal na katiwasayan

“Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa”

37:10, 11

  • Hanapin ang kaamuan, at mapagpakumbabang hintayin na alisin ni Jehova ang lahat ng kawalang-katarungan na nararanasan mo

  • Tulungan ang mga kapananampalataya, at aliwin ang mga nanlulumo sa pamamagitan ng ipinangakong bagong sanlibutan ng Diyos, na malapit nang dumating

Kamay ng anghel na itinuturo ang Paraisong lupa

Ang Mesiyanikong Kaharian ay magdudulot ng walang-katulad na pagpapala

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share