PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mamuhay sa Paraang Nagbibigay-Kapurihan kay Jehova!
Ang buhay ay isang mahalagang regalo. Sa paraan ng paggamit natin dito araw-araw, makikita kung gaano natin ito pinahahalagahan. Bilang mga Saksi ni Jehova, nagsisikap tayong gamitin ang ating talento at kakayahan para parangalan at luwalhatiin si Jehova, ang Tagapagbigay-Buhay. (Aw 36:9; Apo 4:11) Pero dahil sa mga kabalisahang nararanasan sa masamang sanlibutang ito, madaling maisaisantabi ang paglilingkod kay Jehova. (Mar 4:18, 19) Makabubuting tanungin ang sarili: ‘Talaga bang naibibigay ko kay Jehova ang aking pinakamainam? (Os 14:2) Saan ba ako inaakay ng aking trabaho o karera? Ano ba ang espirituwal na mga tunguhin ko? Paano ko mapalalawak ang aking ministeryo?’ Kung may nakikita kang kailangang pasulungin, manalangin at magpatulong kay Jehova, at gumawa ng kinakailangang pagbabago. Ang araw-araw na pagpuri kay Jehova ay tiyak na magdudulot ng makabuluhan at masayang buhay!—Aw 61:8.
Kanino mo inihahandog ang iyong mga talento?
PANOORIN ANG VIDEO NA GAMITIN ANG IYONG TALENTO PARA KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Bakit hindi isang katalinuhang ihandog sa sanlibutan ni Satanas ang iyong mga talento? (1Ju 2:17)
Anong mga pagpapala ang tatanggapin ng mga nagbibigay kay Jehova ng kanilang pinakamainam?
Sa anong mga sagradong paglilingkod mo puwedeng magamit ang iyong talento at kakayahan?