Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Pebrero p. 7
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Mabisang Paggamit ng Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Mabisang Paggamit ng Tanong
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Mabisang Paggamit ng mga Tanong
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Gampanan ang Iyong Papel Bilang Ebanghelisador
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Paggamit ng mga Tanong
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Magturo Taglay ang Malalim na Unawa at Pagiging Mapanghikayat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Pebrero p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Mabisang Paggamit ng Tanong

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Kung “ang panukala sa puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig,” ang tanong naman ay gaya ng timba para masalok ito. (Kaw 20:5) Tutulong ang mga tanong para maisangkot ang mga tagapakinig. Ang sagot sa tanong na pinag-isipang mabuti ay maaaring pagmulan ng mahalagang impormasyon. Mabisang gumamit ng mga tanong si Jesus. Paano natin siya matutularan?

Tinanong ni Jesus ang isa sa kaniyang mga alagad

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Gumamit ng punto de vistang mga tanong. Gumamit si Jesus ng sunod-sunod na mga tanong para malaman ang pananaw ng kaniyang mga alagad. (Mat 16:13-16; be 238 ¶3-5) Anong punto de vistang mga tanong ang puwede mong gamitin?

  • Gumamit ng umaakay na mga tanong. Para ituwid ang kaisipan ni Pedro, gumamit ng mga tanong si Jesus at nagbigay ng posibleng mga sagot na aakay kay Pedro sa tamang konklusyon. (Mat 17:24-26) Anong umaakay na mga tanong ang puwede mong gamitin para tulungan ang iba na magkaroon ng tamang konklusyon?

  • Magbigay ng komendasyon sa tagapakinig mo. Pagkatapos ‘sumagot nang may katalinuhan’ ang isang eskriba, binigyan siya ni Jesus ng komendasyon. (Mar 12:34) Paano ka magbibigay ng komendasyon sa isa na sumagot sa tanong mo?

Maging magalang. Wala tayong awtoridad na gaya ng kay Jesus. Kaya dapat tayong magpakita ng paggalang lalo na sa mga may-edad, hindi natin kakilala, at nasa awtoridad.—1Pe 2:17.

PANOORIN ANG UNANG BAHAGI NG VIDEO NA GAWIN ANG GINAWA NI JESUS—MAGTURO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit ang halimbawang ito ay di-mabisang paraan ng pagtuturo, kahit tama naman ang tinalakay?

  • Bakit hindi lang natin dapat basta ipaliwanag ang impormasyon?

PANOORIN ANG IKALAWANG BAHAGI NG VIDEO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano mabisang gumamit ng mga tanong ang brother?

  • Ano pa ang puwede nating tularan sa kaniyang paraan ng pagtuturo?

Lalaking naguluhan nang hindi siya naturuan sa tamang paraan; lalaking naintindihan ang katotohanan nang maturuan siya sa tamang paraan

Ano ang epekto sa iba ng ating pagtuturo? (Luc 24:32)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share