Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Abril p. 8
  • Pangangaral at Pagtuturo—Mahalaga sa Paggawa ng mga Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangangaral at Pagtuturo—Mahalaga sa Paggawa ng mga Alagad
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Mangangaral, Pangangaral
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Guro, Pagtuturo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pangangaral sa Bahay-bahay
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Tulungan ang mga “Wastong Nakaayon” na Maging mga Alagad
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Abril p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pangangaral at Pagtuturo—Mahalaga sa Paggawa ng mga Alagad

Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na humayo at gumawa ng mga alagad. (Mat 28:19) Kasama rito ang pangangaral at pagtuturo. Sa pana-panahon, kailangan nating tanungin ang ating sarili, ‘Paano ko mapasusulong ang mga bahaging ito ng paggawa ng alagad?’

PANGANGARAL

Sa halip na hintayin ang mga tao na lumapit sa atin, tayo ang dapat na maghanap ng mga taong “karapat-dapat.” (Mat 10:11) Kapag nakikibahagi sa ministeryo, alisto ba tayo sa mga pagkakataon para makausap ang mga tao na “nagkataong naroroon”? (Gaw 17:17) Naging alagad si Lydia dahil sa masikap na pangangaral ni apostol Pablo.—Gaw 16:13-15.

Nag-aalok si Samuel ng magasin kay Ezekiel; nangangaral sina Solomon at Mary kina Ezekiel at Abigail

“Sa umaga ay ihasik mo ang iyong binhi at hanggang sa kinagabihan ay huwag mong pagpahingahin ang iyong kamay” (Ec 11:6)

PANOORIN ANG VIDEO NA PATULOY NA MANGARAL NANG “WALANG HUMPAY”—SA DI-PORMAL NA PARAAN AT SA BAHAY-BAHAY. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa araw-araw, paano ipinakita ni Samuel na aktibo siyang naghahanap ng mga pagkakataon para magtanim ng binhi ng katotohanan?

  • Bakit dapat tayong magsikap sa lahat ng uri ng pangangaral?

  • Sa iyong pang-araw-araw na gawain, kanino mo maaaring ibahagi ang mensahe ng Kaharian?

PAGTUTURO

Para makagawa ng mga alagad, hindi sapat na mag-iwan lang tayo ng literatura sa mga tao. Para sumulong sila sa espirituwal, dapat tayong dumalaw-muli at magdaos ng pag-aaral sa Bibliya. (1Co 3:6-9) Pero paano kung hindi masyadong mabunga ang pagsisikap nating turuan ang iba ng katotohanan tungkol sa Kaharian? (Mat 13:19-22) Dapat tayong magpatuloy sa paghahanap ng mga taong may puso na gaya ng “mainam na lupa.”—Mat 13:23; Gaw 13:48.

Nagdaraos ng pag-aaral ng Bibliya sina Solomon at Mary kina Ezekiel at Abigail; nakikibahagi sina Ezekiel at Abigail sa pampublikong pagpapatotoo

“Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang patuloy na nagpapalago nito” (1Co 3:6)

PANOORIN ANG VIDEO NA PATULOY NA MANGARAL NANG “WALANG HUMPAY”—SA PAMPUBLIKONG LUGAR AT PAGGAWA NG MGA ALAGAD. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano diniligan nina Solomon at Mary ang binhi ng katotohanang nasa puso nina Ezekiel at Abigail?

  • Ano ang dapat na maging tunguhin natin sa lahat ng aspekto ng ating ministeryo, pati na sa pampublikong pagpapatotoo?

  • Paano natin maipakikita na mas mahalaga ang pagtuturo ng katotohanan sa iba?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share