Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Hunyo p. 8
  • Mga Magulang, Tulungang Magtagumpay ang Inyong mga Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Magulang, Tulungang Magtagumpay ang Inyong mga Anak
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Maibiging Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Paano Magiging Masaya ang Pamilya Mo?​—Bahagi 2
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Pagtatayo ng Isang Pamilyang May Matibay na Espirituwalidad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Hunyo p. 8
Tinuturuan nina Jose at Maria si Jesus at ang iba nilang mga anak sa panahon ng pagkain

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Magulang, Tulungang Magtagumpay ang Inyong mga Anak

Gusto ng mga magulang na may takot sa Diyos na maging tapat na mga lingkod ni Jehova ang kanilang mga anak. Magagawa nila ito kung ikikintal nila sa puso ng kanilang mga anak ang mga turo ng Bibliya mula sa pagkasanggol. (Deu 6:7; Kaw 22:6) Kailangan ba rito ang pagsasakripisyo? Oo naman! Pero sulit ang kanilang pagsisikap.—3Ju 4.

Maraming matututuhan ang mga magulang kina Jose at Maria. “Nakaugalian [nilang] pumaroon taun-taon sa Jerusalem para sa kapistahan ng paskuwa,” kahit mahirap ito at magastos. (Luc 2:41) Maliwanag na priyoridad nila ang espirituwal na pangangailangan ng kanilang pamilya. Mapapatnubayan din ng mga magulang ngayon ang kanilang mga anak kung sa bawat pagkakataon ay tuturuan nila ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang salita at halimbawa.—Aw 127:3-5.

ALAM MO BA?

Kahit lumaki sila sa pamilyang naglilingkod sa Diyos, saka lang nanampalataya kay Jesus ang kaniyang mga kapatid sa ina pagkamatay niya. (Ju 7:5; Gaw 1:14) Nang maglaon, dalawa sa kanila, sina Santiago at Judas, ang sumulat ng mga aklat ng Bibliya na ipinangalan sa kanila.

PANOORIN ANG VIDEO NA SINAMANTALA NILA ANG BAWAT PAGKAKATAON. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano inuna nina Jon at Sharon Schiller ang Kaharian habang nagpapalaki ng mga anak?

  • Bakit dapat ibagay ng mga magulang ang disiplina sa pangangailangan ng bawat anak?

  • Paano maihahanda ng mga magulang ang kanilang mga anak na harapin ang mga pagsubok sa kanilang pananampalataya?

  • Anong mga pantulong mula sa organisasyon ni Jehova ang nagamit mo na para tulungan ang iyong mga anak na sumulong sa espirituwal?

Ang pamilyang Schiller

Gawing priyoridad ng inyong pamilya ang espirituwal na mga gawain

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share