KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JUAN 9-10
Nagmamalasakit si Jesus sa Kaniyang mga Tupa
Ang kaugnayan ng pastol sa kaniyang mga tupa ay nakasalig sa pagkakilala at pagtitiwala. Kilala ng Mabuting Pastol, si Jesus, ang kaniyang mga tupa. Alam niya ang kanilang mga pangangailangan, kahinaan, at kakayahan. Kilala ng tupa ang kanilang pastol at nagtitiwala sila sa kaniyang pangunguna.
Bilang Mabuting Pastol, paano ginagawa ni Jesus ang . . .
pagtitipon sa kaniyang mga tupa?
paggabay sa kaniyang mga tupa?
pag-iingat sa kaniyang mga tupa?
pagpapakain sa kaniyang mga tupa?