KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 25-26
Umapela si Pablo kay Cesar at Nagpatotoo kay Haring Herodes Agripa
Hindi tayo dapat mag-alala kung ano ang sasabihin natin kapag dinala tayo “sa harap ng mga gobernador at mga hari.” Pero dapat tayong maging “handang gumawa ng pagtatanggol” sa harap ng bawat isa na humihingi ng paliwanag tungkol sa ating pag-asa. (Mat 10:18-20; 1Pe 3:15) Kung magpakana ang mga mananalansang ng “kaguluhan sa pamamagitan ng batas,” paano natin matutularan si Pablo?—Aw 94:20.
Ginagamit natin ang probisyon ng batas para ipagtanggol ang mabuting balita.—Gaw 25:11
Magalang tayong nakikipag-usap sa mga awtoridad.—Gaw 26:2, 3
Kung posible, ipinapaliwanag natin kung paano nakakatulong sa atin at sa iba ang mabuting balita.—Gaw 26:11-20