Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Hunyo p. 7
  • Maging Matalino sa Pagpili ng Libangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Matalino sa Pagpili ng Libangan
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Pasayahin si Jehova sa mga Pinipili Mong Libangan
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Kung Paano Pipili ng Libangan
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Kung Paano Pipili ng Kaayaayang Libangan
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Makasusumpong Ka ng Kapaki-pakinabang na Libangan
    Gumising!—1997
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Hunyo p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Maging Matalino sa Pagpili ng Libangan

Bakit dapat tayong maging matalino sa pagpili ng libangan? Dahil kapag pumipili tayo ng pelikula, kanta, website, aklat, o video game, pumipili na rin tayo ng ipapasok sa isip natin. May epekto sa ating paggawi ang pinipili natin. Nakakalungkot, karamihan ng mga libangan sa ngayon ay may bahid ng mga bagay na hinahatulan ni Jehova. (Aw 11:5; Gal 5:19-21) Dahil dito, hinihimok tayo ng Bibliya na patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na nagpaparangal kay Jehova.—Fil 4:8, tlb.

PANOORIN ANG VIDEO NA ANONG LIBANGAN ANG DAPAT KONG PILIIN? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Labanan ng mga gladiator sa Roma

    Ano ang pagkakatulad ng labanan ng mga gladiator sa Roma noon at ng mga libangan sa ngayon?

  • Isang brother na payunir ang nasa ministeryo kasama ng isang nakababatang brother sa kongregasyon

    Paano matutulungan ng mga kapatid sa kongregasyon ang mga kabataan na maging matalino sa pagpili ng libangan?

  • Isang sundalo

    Paano makakatulong ang Roma 12:9 sa pagpili natin ng libangan?

  • Mga kabataang Saksi na naglalaro ng soccer

    Ano ang ilang halimbawa ng mabubuting libangan sa inyong lugar?

ANONG KLASENG PAGLILIBANG?

Karamihan ng libangan sa ngayon ay nagtuturo sa isang indibidwal na panoorin o basahin ang ginagawa ng iba, sa halip na siya mismo ang gumawa noon. Ang mga ideyang nasa pelikula, aklat, at programa sa telebisyon ay galing sa ibang tao at hindi sa iyo. Hindi naman masama ang mga ito, pero para sa iba, mas kapaki-pakinabang kung sila mismo ang gumagawa ng mga ito. Halimbawa, ang ilan ay nag-e-enjoy sa pagtugtog ng mga instrumento sa musika o pagdodrowing. Ang iba naman ay nasisiyahan sa paglalaro ng sports, hiking, o camping. Anumang libangan ang pinipili natin, gawin natin ang “lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.”—1Co 10:31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share