Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Setyembre p. 7
  • “Patuloy na Isaisip ang mga Ito”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Patuloy na Isaisip ang mga Ito”
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Filipos 4:8—“Anumang Bagay na Totoo, . . . Patuloy na Isaisip ang mga Ito”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Katapatan at ang Ating Iniisip
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • “Ang Pagbubulay-bulay ng Aking Puso”
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Papaano Natin Malalakipan ng Kagalingan ang Ating Pananampalataya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Setyembre p. 7
Isang brother na nagko-computer sa gabi at isang umuungal na leon, na lumalarawan kay Satanas, ang nasa tabi niya

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Patuloy na Isaisip ang mga Ito”

Ano ang mga ito? Sinasabi sa Filipos 4:8 na isaisip ang anumang bagay na totoo, seryosong pag-isipan, matuwid, malinis, kaibig-ibig, marangal, mabuti, at kapuri-puri. Siyempre, hindi lang puro tungkol sa Bibliya ang iisipin ng isang Kristiyano. Pero ang pagbubulay-bulay ng puso natin ay dapat na nakalulugod kay Jehova. Hindi nito dapat pahinain ang ating determinasyon na maging tapat sa kaniya.—Aw 19:14.

Hindi madaling iwasan ang masasamang kaisipan. Dapat nating paglabanan hindi lang ang pagiging di-perpekto, kundi pati na si Satanas, ang “diyos ng sistemang ito.” (2Co 4:4) Dahil kontrolado niya ang media, pasama nang pasama ang karamihan sa laman ng TV, radyo, Internet, at mga babasahin. Kung hindi tayo magiging mapamili sa ipinapasok natin sa ating isipan, makasasamâ ito sa ating pag-iisip, at sa bandang huli, maaapektuhan ang ating paggawi.—San 1:14, 15.

PANOORIN ANG VIDEO NA IWASAN ANG SUMISIRA SA KATAPATAN—DI-WASTONG LIBANGAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD:

  • Isang brother na tumitingin ng isang kuwestiyunableng bagay sa cellphone niya sa dis-oras ng gabi

    Ano ang tinitingnan ng brother sa kaniyang cellphone, at paano siya naapektuhan nito?

  • Brother na nag-unsubscribe sa isang social media site

    Paano nakatulong sa kaniya ang Galacia 6:7, 8 at Awit 119:37?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share