KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | SANTIAGO 3-5
Ipakita ang Makadiyos na Karunungan
Kapaki-pakinabang ang karunungan ni Jehova. Halimbawa, natutulungan tayo nito na makipagpayapaan sa mga kapananampalataya natin. Kung talagang may makadiyos na karunungan tayo, makikita ito sa paggawi natin.
TANUNGIN ANG SARILI: ‘Alin sa mga aspektong ito ng makadiyos na karunungan ang naipapakita ko na? Paano ko maipapakita ang iba pang aspekto?’
Malinis
Mapagpayapa
Makatuwiran
Handang sumunod
Punô ng awa at mabubuting bunga
Hindi nagtatangi
Hindi mapagkunwari