KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 40-41
Iniligtas ni Jehova si Jose
Naranasan ni Jose na maging alipin at bilanggo nang mga 13 taon bago siya iniligtas ni Jehova. Imbes na maghinanakit, marami siyang natutuhan sa mga nangyari sa kaniya. (Aw 105:17-19) Alam niyang hindi siya kailanman iniwan ni Jehova. Paano ginawa ni Jose ang pinakamabuting magagawa niya ayon sa kaniyang sitwasyon?
Naging masipag siya at mapagkakatiwalaan kaya pinagpala ni Jehova ang mga pagsisikap niya.—Gen 39:21, 22
Nagmalasakit siya sa iba imbes na magplano kung paano makakaganti sa mga nagmaltrato sa kaniya.—Gen 40:5-7
Paano nakatulong sa akin ang karanasan ni Jose na maharap ang mga problema ko?
Habang naghihintay akong iligtas ni Jehova sa Armagedon, ano ang pinakamabuting magagawa ko ayon sa sitwasyon ko?