PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tumayong Matatag Habang Papalapit ang Wakas
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Malapit nang maganap ang kasindak-sindak na mga pangyayari na talagang susubok sa ating lakas ng loob at pagtitiwala kay Jehova. Magsisimula ang malaking kapighatian sa pagpuksa sa huwad na relihiyon. (Mat 24:21; Apo 17:16, 17) Sa magulong panahong iyon, posibleng maghayag tayo ng isang matinding mensahe ng paghatol. (Apo 16:21) Sasalakayin tayo ni Gog ng Magog. (Eze 38:10-12, 14-16) Dahil dito, sisiklab ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Apo 16:14, 16) Para mas lumakas ang loob natin na harapin ang mga pangyayaring ito, dapat na ngayon pa lang, maging matatag na tayo sa mga pagsubok na napapaharap sa atin.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Manindigan at sumunod sa matataas na pamantayan ni Jehova.—Isa 5:20
Patuloy na maglingkod kay Jehova kasama ng mga kapananampalataya.—Heb 10:24, 25
Sumunod agad sa mga tagubilin ng organisasyon.—Heb 13:17
Pag-isipan kung paano iniligtas ni Jehova ang mga lingkod niya noon.—2Pe 2:9
Manalangin kay Jehova at magtiwala sa kaniya.—Aw 112:7, 8
PANOORIN ANG PAGSASADULANG MGA PANGYAYARI SA HINAHARAP NA MANGANGAILANGAN NG LAKAS NG LOOB—EXCERPT. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano nasubok ang pagkamasunurin ng mga kapatid sa ginawang kaayusan ng mga elder?
Bakit magkaugnay ang lakas ng loob at pagkamasunurin?
Bakit kailangan natin ng lakas ng loob sa panahon ng Armagedon?
Maghanda na ngayon para sa mga pangyayari sa hinaharap na mangangailangan ng lakas ng loob
Anong ulat sa Bibliya ang makakatulong sa atin para tumibay ang pagtitiwala natin na kaya tayong iligtas ni Jehova?—2Cr 20:1-24