Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Disyembre p. 7
  • Gusto Mo Bang Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gusto Mo Bang Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Sinasanay ang mga Ministro ng Kaharian
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Pinasigla ng mga Misyonero ang Pandaigdig na Paglawak
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Pag-aaral sa School for Kingdom Evangelizers
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Mga Misyonero “Hanggang sa Pinakamalayong Bahagi ng Lupa”
    Saan Napupunta ang Donasyon Mo?
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Disyembre p. 7
Mga nag-aaral sa School for Kingdom Evangelizers.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gusto Mo Bang Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers?

Ikaw ba ay nasa edad 23 hanggang 65 at nasa buong-panahong paglilingkod? Maganda ba ang kalusugan mo at puwede kang maglingkod sa lugar na mas malaki ang pangangailangan? Kung oo ang sagot mo sa mga iyan, napag-isipan mo na bang mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers? Mula noong magsimula ito, libo-libo nang mag-asawa, binata, at dalaga ang nakapag-aral dito. Pero malaki pa ang pangangailangan para sa mga brother na walang asawa. Hilingin kay Jehova na pasidhiin ang kagustuhan mong pasayahin siya at tularan ang kaniyang Anak. (Aw 40:8; Mat 20:28; Heb 10:7) Pagkatapos, pag-isipan kung paano mo babawasan ang iyong trabaho at iba pang obligasyon para maging kuwalipikado ka sa pag-aaral dito.

Anong mga pribilehiyo ang bukás para sa mga nagtapós sa paaralang ito? Ang ilan ay inatasan sa lugar na iba ang wika o sa special metropolitan public witnessing. Ang iba naman ay naging kahaliling tagapangasiwa ng sirkito, tagapangasiwa ng sirkito, o misyonero. Habang pinag-iisipan mo kung ano ang mga puwede mong gawin para kay Jehova, matularan mo sana si propeta Isaias, na nagsabi: “Narito ako! Isugo mo ako!”—Isa 6:8.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA MISYONERO—MGA MANGGAGAWA SA PAG-AANI. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Misyonero—Mga Manggagawa sa Pag-aani.’ Mag-asawang misyonero na nagbabahay-bahay.

    Paano pinipili ang mga magiging misyonero?

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Misyonero—Mga Manggagawa sa Pag-aani.’ Bina-Bible study ng misyonera at isa pang sister ang isang babae.

    Ano ang naitutulong ng mga misyonero?

  • Eksena mula sa video na ‘Mga Misyonero—Mga Manggagawa sa Pag-aani.’ Kinakausap ng misyonerong brother na nasa sign language ang isang brother tungkol sa pag-a-apply para sa pantanging paglilingkod.

    Ano ang mga pagpapala ng pagiging misyonero?

Gusto mo ba ng karagdagang impormasyon tungkol sa School for Kingdom Evangelizers? Sa jw.org/tl, sa seksiyong Library, magpunta sa “Video” at tingnan sa AMING GAWAIN > MGA TEOKRATIKONG PAARALAN AT PAGSASANAY ang mga video na Mga Gusali ng Paaralan sa Congo, Pinagpala sa Espirituwal Dahil sa Turo ni Jehova, at Unang Graduation ng SKE.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share