MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Magpakita ng Empatiya
Ang empatiya ay ang kakayahang maunawaan ang iniisip, nararamdaman, pamantayan, at pangangailangan ng iba. Madali itong mapansin ng iba at pinapakilos tayo nito na tulungan ang iba. Kapag nagpapakita tayo ng empatiya sa ating ministeryo, natutularan natin ang pag-ibig at malasakit ni Jehova. Dahil dito, napapalapít sa kaniya ang mga tao.—Fil 2:4.
Ang pagpapakita ng empatiya ay hindi lang basta isang paraan ng pagtuturo; maipapakita ito sa ating pakikinig at pagsasalita pati na sa ating saloobin, pagkumpas, at ekspresyon ng mukha. Masasabing may empatiya tayo kung ipinapakita natin na talagang nagmamalasakit tayo sa iba. Inaalam natin ang mga gusto nila, paniniwala, at sitwasyon. Nagbibigay tayo ng praktikal na payo at tulong pero hindi natin sila pinipilit na magbago. Kapag tinanggap ng mga tao ang tulong na ibinibigay natin, nagiging mas masaya tayo sa ministeryo.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—PASULUNGIN ANG IYONG KAKAYAHAN—MAGPAKITA NG EMPATIYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano nagpakita ng empatiya si Neeta nang ma-late si Joy?
Paano nagpakita ng empatiya si Neeta nang sabihin ni Joy na wala siyang ganang mag-study kasi nai-stress siya?
Mapapalapít kay Jehova ang mga tao kung magpapakita tayo ng empatiya
Paano nagpakita ng empatiya si Neeta nang sabihin ni Joy na hindi niya alam kung ano ang uunahin niya?