KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Makikita sa Kautusan ang Malasakit ni Jehova sa mga Hayop
Huwag pabayaan ang isang hayop na nahihirapan (Deu 22:4; it-2 859)
Huwag pagmalupitan ang isang inahing ibon (Deu 22:6, 7; it-1 584 ¶2)
Huwag pagsamahin sa isang pamatok ang dalawang hayop na hindi magkasinlaki at magkasinlakas (Deu 22:10; w03 10/15 32 ¶1-2)
Mahalaga kay Jehova kung paano natin tinatrato ang mga hayop. Hindi natin dapat pagmalupitan ang mga hayop o patayin ang mga ito para lang sa katuwaan, o sport.—Kaw 12:10.