PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Nagawa ang Isang Mahirap na Atas Dahil sa Banal na Espiritu
Sa buong kasaysayan, nakagawa ang mga lingkod ng Diyos ng mga kahanga-hangang bagay, hindi dahil sa kakayahan nila, kundi dahil sa tulong ni Jehova. Noong 1954, naglabas ang organisasyon ni Jehova ng isang video na may pamagat na The New World Society in Action. Karamihan sa mga gumawa nito ay mga Bethelite na walang karanasan sa paggawa ng video. Nagawa lang ang napakahirap na proyektong ito dahil sa banal na espiritu ni Jehova. Itinuturo nito na kung aasa tayo kay Jehova, magagawa natin ang anumang atas na ibinigay sa atin.—Zac 4:6.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAGGAWA SA “THE NEW WORLD SOCIETY IN ACTION.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Bakit gumawa ng isang video tungkol sa pandaigdig na punong-tanggapan?
Paano ipinakita sa video na ang Bethel ay gaya ng katawan ng tao?—1Co 12:14-20
Anong mga hamon ang napaharap sa mga kapatid noong ginagawa nila ang video, at paano nila iyon napagtagumpayan?
Ano ang matututuhan natin dito tungkol sa banal na espiritu ni Jehova?