Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb22 Enero p. 13
  • Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Samuel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Samuel—Itinaguyod Niya ang Tunay na Pagsamba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Siya ay “Patuloy na Lumaki sa Harap ni Jehova”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Siya ay “Patuloy na Lumaki sa Harap ni Jehova”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
mwb22 Enero p. 13
Collage: Larawan mula sa video na “Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel.” 1. Si Danny. 2. Ang batang si Samuel.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Matuto sa Halimbawa ni Samuel

Nanatiling tapat si Samuel kay Jehova sa buong buhay niya. Noong bata pa siya, hindi niya tinularan ang masasamang anak ni Eli na sina Hopni at Pinehas. (1Sa 2:22-26) Si Samuel ay patuloy na lumaki, at si Jehova ay sumakaniya. (1Sa 3:19) At noong matanda na siya, patuloy pa rin siyang lumakad sa daan ni Jehova, kahit ang mga anak niya ay hindi.​—1Sa 8:1-5.

Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Samuel? Kung isa kang kabataan, magtiwala kang naiintindihan ni Jehova ang pinagdadaanan at nararamdaman mo. Tutulungan ka niyang maging matapang. (Isa 41:10, 13) Kung isa kang magulang at iniwan ng anak mo si Jehova, mapapatibay kang malaman na kahit si Samuel, hindi niya napilit ang mga adulto niyang anak na manatiling tapat kay Jehova. Ipinagkatiwala niya ang mga bagay-bagay sa Diyos, nanatiling tapat, at pinasaya ang Ama niya sa langit, si Jehova. Malay mo, ang maganda mong halimbawa ang magpakilos sa anak mo na manumbalik kay Jehova.

PANOORIN ANG VIDEO NA MATUTO SA KANILANG HALIMBAWA—SAMUEL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena mula sa video na “Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel.” Ang batang si Samuel na may dalang mga kahoy sa looban ng tabernakulo.

    Paano nagpakita ng tapang si Samuel noong bata pa siya?

  • Eksena mula sa video na “Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel.” Pinuntahan ni Danny ang kuya niya at tinanong ito tungkol sa ginagawa niyang mali.

    Paano nagpakita ng tapang si Danny?

  • Eksena mula sa video na “Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel.” Ang propetang si Samuel noong matanda na siya.

    Paano nagpakita si Samuel ng magandang halimbawa bilang may-edad?

  • Eksena mula sa video na “Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel.” Ang mga magulang ni Danny pagkatapos nilang mag-public witnessing kasama si Danny.

    Tinutulungan ni Jehova ang mga naninindigan sa kung ano ang tama

    Paano nagpakita ng magandang halimbawa ang mga magulang ni Danny?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share