Puwede Mong Piliin ang Magiging Kinabukasan Mo
Mga 3,500 taon na ang nakakaraan, sinabi ng Diyos na Jehova sa mga sumasamba sa kaniya kung ano ang dapat nilang gawin para magkaroon ng magandang kinabukasan: “Binigyan ko kayo ng pagpipilian: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin ninyo ang buhay para manatili kayong buháy, kayo at ang mga inapo ninyo.”—Deuteronomio 30:19.
Para magkaroon ng magandang kinabukasan, dapat na tama ang piliin nila. Ganiyan din ang dapat nating gawin sa ngayon. Sinasabi ng Bibliya: “Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova, makinig kayo sa tinig niya.”—Deuteronomio 30:20.
PAANO NATIN IIBIGIN SI JEHOVA AT MAKIKINIG SA TINIG NIYA?
PAG-ARALAN ANG BIBLIYA: Kailangan mo munang makilala si Jehova sa tulong ng Bibliya bago mo siya matutuhang mahalin. Sa Bibliya, makikita mo na isa siyang mapagmahal na Diyos at gusto niyang mapabuti ka. Gusto niya na manalangin ka sa kaniya “dahil nagmamalasakit siya sa [iyo].” (1 Pedro 5:7) Ipinapangako ng Bibliya na kung sisikapin mong mapalapít sa kaniya, “lalapit siya sa [iyo].”—Santiago 4:8.
ISABUHAY ANG MGA NATUTUTUHAN MO: Masasabing nakikinig ka sa tinig ng Diyos kung sinusunod mo ang matatalinong payo ng Bibliya. Kung gagawin mo iyan, “magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.”—Josue 1:8.
a Sa ngayon, available ito sa pitong wika, kasama na ang Mandarin at Cantonese Chinese.