Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp22 Blg. 1 p. 10-11
  • 3 | Alisin ang Poot sa Isip Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 3 | Alisin ang Poot sa Isip Mo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Turo ng Bibliya:
  • Ang Ibig Sabihin:
  • Ang Puwede Mong Gawin:
  • Si Esteban—“Talagang Kalugod-lugod sa Diyos at Puspos ng Kapangyarihan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Binato si Esteban
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kung Paano Dadaigin ang Poot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Madadaig Natin ang Poot!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
wp22 Blg. 1 p. 10-11
Lalaking ini-imagine na nakikipagkamay siya sa lalaking iba ang lahi. Ipinapakita sa anino na nagpoprotesta sila at nagtatalo.

KUNG PAANO DADAIGIN ANG POOT

3 | Alisin ang Poot sa Isip Mo

Turo ng Bibliya:

“Magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, para mapatunayan ninyo sa inyong sarili kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at perpektong kalooban ng Diyos.”​—ROMA 12:2.

Ang Ibig Sabihin:

Mahalaga sa Diyos ang iniisip natin. (Jeremias 17:10) Dapat nating iwasang magsalita o gumawa ng anumang nakakasakit. Pero hindi lang iyan. Ang poot ay nagsisimula sa isip at puso. Kaya dapat nating alisin ang anumang poot sa isip at puso natin. Kapag ginawa natin iyan, ipinapakita nating ‘nagbabagong-anyo’ tayo at dinadaig natin ang poot.

Ang Puwede Mong Gawin:

Suriing mabuti kung ano ang pananaw mo sa iba—lalo na sa iba ang lahi o bansang pinagmulan. Tanungin ang sarili: ‘Ano ang tingin ko sa kanila? Talaga bang kilala ko sila? O nagtatangi ako?’ Iwasan ang social media, pelikula, o libangan na nagtatampok ng poot at karahasan.

Matutulungan tayo ng Salita ng Diyos na madaig ang poot sa isip at puso natin

Hindi laging madali kung tayo lang ang susuri ng isip at puso natin. Pero matutulungan tayo ng Salita ng Diyos na “unawain ang mga kaisipan at intensiyon ng puso.” (Hebreo 4:12) Kaya patuloy na pag-aralan ang Bibliya. Sikaping iayon ang kaisipan mo sa itinuturo nito. Matutulungan tayo ng Salita ng Diyos na madaig ang poot na “matibay ang pagkakatatag” sa isip at puso natin.​—2 Corinto 10:4, 5.

Karanasan​—STEPHEN

Binago ang Pag-iisip

Stephen.

Si Stephen at ang pamilya niya ay nakaranas ng poot mula sa mga puti. Ito ang tumulak sa kaniya na umanib sa isang politikal na grupo na ipinaglalaban ang karapatan ng mga tao. Dahil sa poot, nasangkot siya sa mga krimen. Sinabi ni Stephen: “Minsan, nanood kami ng mga kaibigan ko ng isang pelikula tungkol sa mga paghihirap na dinanas noon ng mga aliping Aprikano sa Estados Unidos. Sa sobrang galit dahil sa gayong kawalang-katarungan, binugbog namin ang mga kabataang puti na nasa loob ng sinehan. Pagkatapos, pumunta kami sa pamayanan ng mga puti para maghanap pa ng mabubugbog.”

Malaki ang ipinagbago ni Stephen nang makipag-aral siya sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya: “Dahil sa dami ng nakita kong pagtatangi sa lahi, namangha ako sa nakita ko sa mga Saksi. Halimbawa, nang pumunta sa ibang bansa ang isang Saksing puti, iniwan niya ang kaniyang mga anak sa pangangalaga ng isang pamilyang itim. Isang kabataang itim naman ang inampon ng isang pamilyang puti.” Kitang-kita ni Stephen na ang mga Saksi ni Jehova ang tunay na mga Kristiyano dahil nagpapakita sila ng pag-ibig sa isa’t isa gaya ng sinabi ni Jesus.​—Juan 13:35.

Paano naalis ni Stephen ang poot at pagiging marahas? Nakatulong sa kaniya ang Roma 12:2. Sinabi niya: “Natanto ko na kailangan kong baguhin ang aking pag-iisip, hindi lang para maging mapagpayapa kundi dahil nakita ko rin na ito ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay.” Sa loob ng mahigit 40 taon, masaya na si Stephen dahil nadaig na niya ang poot.

Mababasa ang karanasan ni Stephen sa Ang Bantayan, Hulyo 1, 2015, pahina 10-11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share