Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp22 Blg. 1 p. 12-13
  • 4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Turo ng Bibliya:
  • Ang Ibig Sabihin:
  • Ang Puwede Mong Gawin:
  • Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kung Paano Dadaigin ang Poot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Madadaig Natin ang Poot!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
  • Bakit Hindi Matapos-tapos ang Pagkapoot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2022
wp22 Blg. 1 p. 12-13
Mga taong papalapit sa isang malaki at bukás na Bibliya na nagliliwanag. Makikita sa mga anino nila ang dating pangit na ugali nila.

KUNG PAANO DADAIGIN ANG POOT

4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos

Turo ng Bibliya:

“Ang mga katangian na bunga ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.”—GALACIA 5:22, 23.

Ang Ibig Sabihin:

Puwedeng madaig ang poot sa tulong ng Diyos. Matutulungan tayo ng kaniyang banal na espiritu na magkaroon ng magagandang ugali na wala sa atin. Imbes na sarilinin ang paglaban sa poot, tanggapin ang tulong ng Diyos. Kapag ginawa natin iyon, madarama natin ang nadama ni apostol Pablo. Isinulat niya: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Filipos 4:13) Talagang masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin.”​—Awit 121:2.

Ang Puwede Mong Gawin:

“Binago ako ni Jehova mula sa isang marahas na tao tungo sa isa na mapagpayapa.”​—WALDO

Manalangin kay Jehova at hilingin ang banal na espiritu niya. (Lucas 11:13) Hilingin sa kaniya na tulungan kang magkaroon ng magagandang ugali. Pag-aralan ang Bibliya at alamin ang mga katangian na dadaig sa poot gaya ng pag-ibig, kapayapaan, pagtitiis, at pagpipigil sa sarili. Sikaping ipakita ang mga katangiang iyan. At makipagkaibigan sa mga taong nagpapakita rin ng ganiyang mga katangian. Matutulungan ka nilang “magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti.”​—Hebreo 10:24.

Karanasan​—WALDO

Nadaig ang Pagiging Marahas

Waldo.

Lumaki si Waldo na may mapapait na karanasan. Dahil dito, naging marahas siya. Sinabi niya: “Madalas akong mapaaway sa kalye sa mga nagbebenta ng droga. . . . Minsan, isang kalabang gang ang umupa ng isang kilaláng hit man para patayin ako, pero isang saksak lang ang tumama sa akin at nakatakas ako.”

Nagalit si Waldo nang makipag-aral ang asawa niya sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya: “Galít ako sa mga Saksi, at maraming beses ko silang binulyawan. Pero lagi silang kalmado.”

Pagkatapos, nag-aral din ng Bibliya si Waldo. Sinabi niya: “Hindi pa rin madaling ikapit ang mga natututuhan ko. Kumbinsido ako na hinding-hindi ko makokontrol ang pagiging marahas ko.” Pero may natutuhan siya sa Bibliya na nagpabago sa kaniya.

Ikinuwento ni Waldo: “Isang araw, ipinabasa sa akin ni Alejandro, ang nagtuturo sa akin ng Bibliya, ang Galacia 5:22, 23. . . . Ipinaliwanag ni Alejandro na ang paglinang ko ng mga katangiang iyon ay hindi nakadepende sa sarili kong lakas kundi sa banal na espiritu ng Diyos. Lubusang binago ng katotohanang iyan ang aking [pananaw]!”

Sa tulong ng Diyos, nadaig ni Waldo ang pagiging magagalitin. Sinabi niya: “Hindi makapaniwala ang aking mga kapamilya at dating mga kaibigan sa laki ng ipinagbago ko.” Sinabi pa niya: “Binago ako ni Jehova mula sa isang marahas na tao tungo sa isa na mapagpayapa.”

Mababasa ang karanasan ni Waldo sa Ang Bantayan, Oktubre 1, 2013, pahina 12-13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share