Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w22 Pebrero p. 31
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Batubato at Kalapati
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Batu-bato
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Isinasaalang-alang Niya ang Ating mga Limitasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Ibon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
w22 Pebrero p. 31

Alam Mo Ba?

Bakit malaking bagay na pinayagan ni Jehova na maghandog ang mga Israelita ng alinman sa batubato o kalapati?

SA ILALIM ng Kautusan, parehong katanggap-tanggap ang batubato at kalapati bilang handog kay Jehova. Laging binabanggit ang dalawang ibong ito sa mga batas tungkol sa paghahandog at puwedeng gamitin ang alinman sa mga ito. (Lev. 1:14; 12:8; 14:30) Bakit malaking bagay iyon? Hindi kasi laging makakakuha ng batubato. Bakit?

Batubato

Kabilang ang mga batubato sa mga ibong nandarayuhan. Matatagpuan ang mga ibong ito sa buong Israel kapag mainit ang panahon. Tuwing Oktubre, nandarayuhan sila patimog sa mas mainit na mga bansa, at bumabalik sa Israel sa panahon ng tagsibol. (Sol. 2:11, 12; Jer. 8:7) Kaya mahirap para sa mga Israelita noon na maghandog ng batubato sa panahon ng taglamig.

Rock pigeon

Ang mga kalapati naman ay bihirang mandayuhan, kaya madaling makakuha nito sa Israel sa buong taon. Bukod diyan, inaalagaan din sa bahay ang mga kalapati. (Ihambing ang Juan 2:14, 16.) Sinasabi sa aklat na Bible Plants and Animals na “may mga alagang kalapati sa lahat ng nayon at bayan sa Palestina. Sa bawat bahay, may mga bahay ng ibon, o ukà sa pader, kung saan puwedeng tumira ang mga ibon.”​—Ihambing ang Isaias 60:8.

Kalapati sa bahay nito

Ipinapakita lang ni Jehova na maibigin siya at makatuwiran dahil tinatanggap niya ang alinmang ibon na madaling makuha ng mga Israelita sa buong taon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share