Introduksiyon
Gusto mo bang mabuhay sa isang mundo na walang digmaan o kaguluhan? Gusto iyan ng marami pero para sa kanila, hindi iyan makatotohanan. Sinasabi ng Bibliya kung bakit bigo ang mga tao na mapahinto ang digmaan. Tinitiyak din nito na posible ang kapayapaan sa buong mundo at malapit na itong mangyari.
Sa magasing ito, ang salitang “digmaan” at “kaguluhan” ay tumutukoy sa labanan ng mga armadong grupo dahil sa politika. Binago ang pangalan ng ilang indibidwal na binanggit dito.