TIP SA PAG-AARAL
Kung Paano Mas Madaling Matatandaan ang mga Teksto
Baka may tekstong nakapagpatibay sa iyo, nakatulong sa iyo na labanan ang maling kaisipan, o gusto mong i-share sa iba. Kaso hindi mo na iyon matandaan. (Awit 119:11, 111) Ano ang makakatulong sa iyo? Ito ang ilang tip:
Gamitin ang tag feature ng JW Library® app. Gumawa ng tag para sa mga paborito mong teksto, at i-save doon ang mga tekstong magugustuhan mo habang nagbabasa ka ng Bibliya.
I-post o i-display ang teksto kung saan ito madaling makita. Isulat sa papel ang tekstong gusto mong matandaan, at ilagay ito sa lugar na madalas mong nadadaanan—puwedeng sa salamin o sa pinto ng ref. Ginagawa rin ng iba na wallpaper o screen saver sa gadyet nila ang tekstong nagustuhan nila.
Gumawa ng mga flash card. Isulat ang teksto sa isang bahagi ng card; isulat naman sa likod ang sinasabi sa tekstong iyon. Pagkatapos, kung anong bahagi ng card ang nakaharap sa iyo, subukang alalahanin ang nakalagay sa likod nito.