TIP SA PAG-AARAL
Makinabang sa mga Marginal Reference
Sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, may mga marginal reference na nagpapakita ng kaugnayan ng isang teksto sa iba pang teksto sa Bibliya. Para makita ang mga marginal reference, tingnan ang maliit na letra o numero na nasa tabi ng isang salita sa teksto. Kapag nakaimprentang Bibliya ang gamit mo, hanapin ang kapareho nitong letra o numero sa gitna o gilid ng pahina. Kapag nagbabasa ka naman ng Bibliya sa jw.org o JW Library® app, i-tap ang letra o numero para lumitaw ang mga kaugnay na teksto.
Ito ang ilang halimbawa ng mga marginal reference na makikita mo:
Kaparehong ulat: Mga teksto ito ng kaparehong pangyayari na makikita sa ibang kabanata o aklat ng Bibliya. Halimbawa, tingnan ang 2 Samuel 24:1 at 1 Cronica 21:1.
Pagsipi: Mga teksto ito kung saan kinuha ang mga sinipi sa isang teksto. Halimbawa, tingnan ang Mateo 4:4 at Deuteronomio 8:3.
Katuparan ng hula: Mga teksto ito tungkol sa isang hula at kung paano ito natupad. Halimbawa, tingnan ang Mateo 21:5 at Zacarias 9:9.