PANANALITA SA BIBLIYA
‘Natutong Maging Masunurin si Jesus’
Noon pa man, masunurin na si Jesus kay Jehova. (Juan 8:29) Pero bakit sinabi ng Bibliya na “natuto siyang maging masunurin mula sa mga pinagdusahan niya”?—Heb. 5:8.
Habang nasa lupa, napaharap si Jesus sa mga sitwasyon na hindi niya naranasan sa langit. Pinalaki siya ng makadiyos pero di-perpektong mga magulang. (Luc. 2:51) Nagdusa siya dahil sa mga tiwaling lider ng relihiyon at mga tagapamahala. (Mat. 26:59; Mar. 15:15) At “nagpakababa siya at naging masunurin hanggang kamatayan,” isang napakasakit na kamatayan.—Fil. 2:8.
Ang mga karanasang ito ay nagturo kay Jesus ng pagkamasunurin sa paraang hindi niya natutuhan sa langit. Dahil dito, puwede siyang maging perpektong Hari at Mataas na Saserdote na nakakaunawa sa atin. (Heb. 4:15; 5:9) Pagkatapos niyang matutong maging masunurin dahil sa mga pinagdaanan niya, lalong naging mahalaga si Jesus kay Jehova. Kung magiging masunurin din tayo kapag may mahihirap na sitwasyon, lalo tayong magiging mahalaga kay Jehova at magagamit niya tayo sa anumang atas na ibibigay niya.—Sant. 1:4.