TIP SA PAG-AARAL
Panatilihin ang Iskedyul Mo ng Pagbabasa ng Bibliya Araw-araw
Nahihirapan ka bang sundin ang iskedyul mo ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw dahil sa dami ng ginagawa mo? (Jos. 1:8) Kung oo, subukan ang mga ito:
Mag-set ng alarm sa gadyet mo. Makakatulong ito para mapaalalahanan ka araw-araw na basahin ang Bibliya.
Ilagay ang Bibliya sa lugar na madali mong makita. Kung nakaimprentang Bibliya ang gamit mo, ilagay ito sa lugar na makikita mo araw-araw.—Deut. 11:18.
Makinig ng mga audio recording. Makinig sa mga iyon habang ginagawa mo ang mga gawain mo sa araw-araw. Sinabi ni Tara, isang payunir na may mga anak at panggabi ang trabaho: “Nakikinig ako ng audio Bible habang tinatapos ko ang mga gawaing-bahay. Dahil doon, nababasa ko ang Bibliya araw-araw.”
Magtiyaga. Kung may mangyari at hindi mo masunod ang iskedyul mo, magbasa pa rin ng ilang talata sa Bibliya bago ka matulog. Kahit kaunti lang ang mabasa mo araw-araw, malaki pa rin ang maitutulong nito sa iyo.—1 Ped. 2:2.