Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w25 Nobyembre p. 2-7
  • Manatiling Masaya Kahit sa Pagtanda

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manatiling Masaya Kahit sa Pagtanda
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG BAKIT HINDI MADALING MANATILING MASAYA
  • KUNG PAANO MANANATILING MASAYA
  • KUNG PAANO MAKAKATULONG ANG IBA
  • Pahalagahan ang mga Tapat na May-edad Na
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Matuto Mula sa mga Huling Habilin ng Tapat na mga Lalaki
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Magiliw na Nagmamalasakit si Jehova sa Kaniyang May-edad Nang mga Lingkod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Tanggapin na May mga Bagay na Hindi Natin Alam
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
w25 Nobyembre p. 2-7

ARALING ARTIKULO 44

AWIT BLG. 138 Kagandahan ng Puting Buhok

Manatiling Masaya Kahit sa Pagtanda

“Sa pagtanda, magiging mabunga . . . sila.”​—AWIT 92:14.

MATUTUTUHAN

Kung bakit mahalagang manatiling masaya ang mga may-edad at kung paano nila iyan magagawa.

1-2. Ano ang tingin ni Jehova sa mga tapat na may-edad? (Awit 92:​12-14; tingnan din ang larawan.)

IBA-IBA ang tingin ng mga tao sa pagtanda. Para sa ilan, tanggap na nila ito. Pero sinisikap naman ng iba na hindi magmukhang matanda. Halimbawa, kapag napansin nilang may puting buhok na sila, binubunot na nila iyon. Pero kahit ano ang gawin natin, hindi natin mapipigilan ang pagtanda.

2 Pero iba ang tingin ng Ama natin sa langit sa mga lingkod niyang may-edad na. (Kaw. 16:31) Ikinukumpara niya sila sa mabubungang puno. (Basahin ang Awit 92:​12-14.) Bakit tamang-tama ang pagkukumparang iyan? Madalas, napakaganda ng matatandang puno kasi punong-puno na ang mga ito ng dahon at bulaklak. Isang halimbawa diyan ang mga puno ng cherry blossom ng Japan. Mas magaganda ang mga cherry blossom na libong taon na ang edad. Ganiyan din kaganda ang tingin ni Jehova sa mga lingkod niyang may-edad na. Hindi lang puting buhok ang nakikita niya. Mas nakikita niya ang magagandang katangian nila, gaya ng katapatan at pagtitiis nila sa loob ng napakaraming taon.

Isang may-edad nang mag-asawa na nakaupo sa bench sa labas at napapalibutan ng mga puno na punong-puno ng cherry blossom.

Mas gumaganda ang isang puno habang tumatanda ito. Habang tumatanda rin ang isang tapat na lingkod ng Diyos, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ni Jehova (Tingnan ang parapo 2)


3. Magbigay ng halimbawa kung paano ginamit ni Jehova ang mga lingkod niyang may-edad na para matupad ang layunin niya.

3 Para kay Jehova, hindi nababawasan ang halaga ng isang tao dahil lang sa tumatanda na siya.a Ang totoo, maraming ginamit si Jehova na mga lingkod niyang may-edad na para matupad ang layunin niya. Halimbawa, matanda na si Sara nang sabihin sa kaniya ni Jehova na manggagaling sa kaniya ang isang malaking bansa at na magiging ninuno siya ng Mesiyas. (Gen. 17:​15-19) May-edad na rin si Moises nang atasan siya ni Jehova na ilabas ang mga Israelita sa Ehipto. (Ex. 7:​6, 7) At matanda na rin si apostol Juan nang gamitin siya ni Jehova para sumulat ng limang aklat sa Bibliya.

4. Ayon sa Kawikaan 15:​15, ano ang makakatulong sa mga may-edad para makayanan ang mga hamon? (Tingnan din ang larawan.)

4 Maraming hamon ang napapaharap sa mga nagkakaedad na. Pabiro pa ngang sinabi ng isang sister, “Hindi para sa mga duwag ang pagtanda.” Pero makakatulong ang kagalakanb para makayanan ng mga may-edad ang mga hamon sa pagtanda. (Basahin ang Kawikaan 15:15.) Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga puwedeng gawin ng mga may-edad para makapanatili silang masaya. Pag-uusapan din natin ang mga maitutulong ng mga kakongregasyon nila. Pero bago iyan, alamin muna natin kung bakit hindi madaling manatiling masaya kung minsan habang tumatanda.

Ang mag-asawang nasa naunang larawan na magkahawak ang kamay at nakangiti habang nasa ilalim ng napakaraming cherry blossom.

Kapag masaya ang mga may-edad, mas makakayanan nila ang mga hamon sa pagtanda (Tingnan ang parapo 4)


KUNG BAKIT HINDI MADALING MANATILING MASAYA

5. Bakit pinanghihinaan ng loob ang ilang may-edad na?

5 Bakit posible kang panghinaan ng loob ngayong nagkakaedad ka na? Baka kasi hindi mo na nagagawa ang mga kaya mong gawin dati. Baka iniisip-isip mo ang panahong mas bata ka pa at maganda pa ang kalusugan mo. (Ecles. 7:10) Ganito ang sinabi ng sister na si Ruby: “Nahihirapan akong magbihis kasi ang daming masakit sa katawan ko at hirap akong gumalaw. Kahit nga magsuot lang ng medyas, hirap na ako. Hindi ko na rin masyadong maigalaw ang mga daliri ko dahil sa arthritis, kaya hindi ko na magawa kahit mga simpleng gawain lang.” Sinabi naman ni Harold, na dating naglingkod sa Bethel: “Ibang-iba na ako kaysa noong kabataan pa ako, kaya minsan naiinis ako sa sitwasyon ko. Dati, magaling ako sa sports. Paborito ko ang baseball. Sinasabi pa nga noon ng iba, ‘Kay Harold n’yo ibigay ang bola. Siguradong mananalo tayo.’ Pero ngayon, parang hindi ko na nga kayang bumato ng bola.”

6. (a) Ano pa ang ibang dahilan kung bakit pinanghihinaan ng loob ang ilang may-edad? (b) Ano ang mga puwedeng pag-isipan ng isang may-edad para malaman kung dapat na siyang huminto sa pagmamaneho? (Tingnan sa isyung ito ang artikulong “Dapat Na Ba Akong Huminto sa Pagmamaneho?”)

6 Baka pinanghihinaan ka ng loob kasi pakiramdam mo, lagi ka na lang umaasa sa tulong ng iba. Baka kailangan mo na ng mag-aalaga sa iyo. O baka kailangan mong tumira sa bahay ng anak mo kasi hindi ka na puwedeng maiwang mag-isa. Baka nalulungkot ka kasi mahina na ang kalusugan mo o malabo na ang mata mo, kaya hindi ka na puwedeng umalis nang mag-isa o magmaneho. Normal lang na malungkot sa ganiyang mga sitwasyon. Pero makakatulong kung iisipin nating mahalaga pa rin tayo kay Jehova at sa iba kahit hindi na natin kayang alagaan ang sarili natin, manatiling mag-isa sa bahay, o magmaneho. Huwag din nating kakalimutan na naiintindihan ni Jehova ang nararamdaman natin. Ang mahalaga sa kaniya, kung sino talaga tayo—isang taong nagmamahal at nagpapahalaga sa kaniya at sa mga lingkod niya.​—1 Sam. 16:7.

7. Ano ang makakatulong kapag nalulungkot tayo dahil baka hindi natin maabutan ang wakas ng sistemang ito?

7 Nalulungkot ka ba kasi naiisip mong baka hindi mo na maabutan ang wakas ng sistemang ito? Ano ang makakatulong sa iyo? Puwede mong isipin na matiyagang naghihintay si Jehova bago niya wakasan ang masamang sistemang ito. (Isa. 30:18) At dahil sa pagtitiis niya, may pagkakataon pa ang milyon-milyong tao na makilala at paglingkuran siya. (2 Ped. 3:9) Kaya kapag nalulungkot ka dahil hindi pa dumarating ang wakas, makakatulong kung iisipin mo kung gaano pa karami ang puwedeng maligtas dahil sa pagtitiis ni Jehova. Malay mo, makasama pa diyan ang ilan sa mga kapamilya mo.

8. Ano ang posibleng magawa ng isa dahil sa pagtanda at pagkakasakit?

8 Anuman ang edad natin, mas malamang na may masabi o magawa tayo na pagsisisihan natin kapag hindi maganda ang pakiramdam natin. (Ecles. 7:7; Sant. 3:2) Halimbawa, noong nagdurusa si Job, naging “padalos-dalos [siya] sa pagsasalita.” (Job 6:​1-3) Posible ring dahil sa sakit ng isang may-edad, may masabi o magawa siyang hindi naman talaga niya normal na gagawin. Siyempre, hindi natin gagamiting dahilan ang edad o sakit natin para maging hindi mabait sa iba. At kapag may nasabi tayong di-maganda, dapat tayong mag-sorry agad.​—Mat. 5:​23, 24.

KUNG PAANO MANANATILING MASAYA

Isang sanga na punong-puno ng cherry blossom; sa nakapaloob na mga larawan, makikita ang iba’t ibang paraan kung paano nakakapanatiling masaya ang may-edad nang mga kapatid. Tinatalakay ang mga larawan sa parapo 9-13.

Paano ka makakapanatiling masaya kahit may mga hamon sa pagtanda? (Tingnan ang parapo 9-13)


9. Bakit dapat mong tanggapin ang tulong ng iba? (Tingnan din ang mga larawan.)

9 Tanggapin ang tulong ng iba. (Gal. 6:2) Baka mahirapan kang gawin iyan sa umpisa. Sinabi ng sister na si Gretl: “Minsan, nahihirapan akong tanggapin ang tulong ng iba kasi pakiramdam ko, magiging pabigat lang ako sa kanila. Pero unti-unti kong nabago ang kaisipang iyan, kaya hindi na ako nahihiyang humingi ng tulong kung kailangan.” Kapag tinanggap mo ang tulong ng iba, binibigyan mo sila ng pagkakataong maging masaya. (Gawa 20:35) At siguradong magiging masaya ka rin kasi makikita mong mahal na mahal ka nila at talagang nagmamalasakit sila sa iyo.

Isang may-edad nang sister na nakakapit sa isang mas batang sister habang namimili sila ng pagkain.

(Tingnan ang parapo 9)


10. Bakit dapat na lagi tayong magpasalamat? (Tingnan din ang mga larawan.)

10 Laging magpasalamat. (Col. 3:15; 1 Tes. 5:18) Kapag may magandang ginawa ang iba para sa atin, siguradong pinapahalagahan natin iyon. Kaya lang, baka makalimutan nating ipakita iyon. Pero malaki ang epekto ng pagpapasalamat natin sa kanila. Kapag ngumiti tayo at nagpasalamat, mararamdaman nilang pinapahalagahan natin sila at ang ginawa nila. Ito ang sinabi ni Leah, na nag-aalaga sa mga may-edad nang Bethelite: “Nagbibigay ng mga thank you note ang isa sa mga sister na inaalagaan ko. Maiikli lang ang mga iyon, pero ramdam ko talaga doon ang pagmamahal niya. Excited akong matanggap ang mga sulat niya, at masaya ako kasi alam kong pinapahalagahan niya ang mga ginagawa ko para sa kaniya.”

Isang may-edad nang sister na nagsusulat ng thank you card.

(Tingnan ang parapo 10)


11. Paano mo matutulungan ang iba? (Tingnan din ang mga larawan.)

11 Sikaping tulungan ang iba. Kapag ginamit mo ang lakas at panahon mo para tulungan ang iba, hindi mo na masyadong maiisip ang mga problema mo. May kasabihan sa Africa na ang mga may-edad ay parang isang library na punong-puno ng libro. Napakaraming matututuhan sa mga librong iyon. Pero kung hindi iyon mababasa ng mga tao, hindi nila matututuhan ang kaalamang nasa mga librong iyon. Hindi rin matututo ang mga kabataan sa iyo kung hindi nila maririnig ang mga kaalaman at karanasan mo. Kaya sabihin iyon sa kanila. Kilalanin mo rin sila—magtanong sa kanila at makinig sa mga ikukuwento nila. Sabihin din sa kanila na lagi silang mapapabuti at magiging masaya kung susundin nila ang mga pamantayan ni Jehova. Siguradong magiging masaya ka rin kapag pinatibay mo ang mga mas bata mong kaibigan.​—Awit 71:18.

Isang may-edad nang brother na nakikinig habang nagkukuwento sa ka­niya ang isang mas batang brother.

(Tingnan ang parapo 11)


12. Ano ang ipinapangako ni Jehova sa Isaias 46:4 para sa mga may-edad na? (Tingnan din ang mga larawan.)

12 Humingi ng lakas kay Jehova. Normal lang na panghinaan tayo ng loob at mapagod kung minsan. Pero hindi ganiyan si Jehova. Alam nating “hindi siya napapagod o nanlulupaypay.” (Isa. 40:28) Saan ginagamit ni Jehova ang di-nauubos na lakas niya? Marami siyang pinaggagamitan nito, at isa na diyan ang pagpapalakas sa mga tapat na may-edad. (Isa. 40:​29-31) Ang totoo, pangako niya iyan sa kanila. (Basahin ang Isaias 46:4.) At laging tinutupad ni Jehova ang mga pangako niya. (Jos. 23:14; Isa. 55:​10, 11) Kapag nanalangin ka kay Jehova, siguradong tutulungan ka niya. Mararamdaman mo ang pagmamahal niya sa iyo, kaya magiging masaya ka.

Isang may-edad nang brother na nananalangin.

(Tingnan ang parapo 12)


13. Ayon sa 2 Corinto 4:​16-18, ano ang dapat nating tandaan? (Tingnan din ang mga larawan.)

13 Tandaan na pansamantala lang ang sitwasyon mo. Mas matitiis natin ang isang mahirap na sitwasyon kung iisipin nating pansamantala lang iyon. At ayon sa Bibliya, pansamantala lang at mawawala rin ang pagtanda at pagkakasakit. (Job 33:25; Isa. 33:24) Kaya huwag isiping lumipas na ang pinakamasayang bahagi ng buhay mo. Ang totoo, mas masaya pa ang buhay na naghihintay sa iyo sa hinaharap. (Basahin ang 2 Corinto 4:​16-18.) Pero sa ngayon, paano naman kaya makakatulong ang iba?

Isang may-edad nang sister na naka-wheelchair at nagbabasa ng Bibliya. Ini-imagine ­niya ang sarili ­niya na nasa Paraiso, mas bata na, at naglalakad palayo sa wheelchair ­niya.

(Tingnan ang parapo 13)


KUNG PAANO MAKAKATULONG ANG IBA

14. Bakit mahalagang dalawin at tawagan natin ang mga may-edad?

14 Regular na dalawin at tawagan ang mga may-edad nating kapatid. (Heb. 13:16) Posibleng malungkot ang mga may-edad kasi madalas silang mag-isa. Ganito ang sinabi ng isang may-edad nang brother na hindi makalabas ng bahay: “Nasa bahay lang ako maghapon, kaya naiinip talaga ako at hindi mapakali. Naiinis ako sa sitwasyon ko kasi pakiramdam ko, nakakulong ako.” Kapag dinadalaw natin ang mga may-edad nating kapatid, naipaparamdam natin na mahal natin sila. Minsan ba, naisip mong tawagan o dalawin ang isang kakongregasyon mong may-edad na, pero hindi mo iyon nagawa? Normal lang iyan kasi marami tayong ginagawa. Pero kasama sa “mas mahahalagang bagay” na dapat nating gawin ang pagdalaw sa mga may-edad na. (Fil. 1:10) Ano ang puwede mong gawin para hindi mo makalimutang magbigay ng panahon sa mga may-edad? Puwede kang maglagay ng reminder sa calendar mo para matext o matawagan mo sila. Puwede ka ring magplano ng espesipikong araw kung kailan mo sila dadalawin.

15. Ano ang mga puwedeng gawin nang magkasama ng mga may-edad at ng mga mas bata sa kanila?

15 Baka iniisip mo kung ano kaya ang puwede mong gawin kasama ng mga may-edad. Baka hindi mo rin alam kung ano ang puwede ninyong pag-usapan. Pero huwag kang masyadong mag-alala. Sikapin mo lang na maging mabuting kaibigan sa kanila. (Kaw. 17:17) Makipagkuwentuhan sa kanila bago o pagkatapos ng mga pulong. Puwede mong tanungin kung ano ang paborito nilang teksto o ipakuwento ang isang nakakatawang nangyari sa kanila noong bata pa sila. Puwede mo rin silang yayaing manood ng isang programa ng JW Broadcasting®. At baka may magawa ka rin para tulungan sila. Halimbawa, baka puwede mong i-update ang mga gadyet nila o i-download ang pinakabagong mga publikasyon para sa kanila. Sinabi ng sister na si Carol: “Yayain n’yo ang mga may-edad na gawin ang mga bagay na gusto n’yong gawin. Ako, matanda na ako. Pero gusto ko pa ring mag-enjoy. Gusto ko pa ring mag-shopping, kumain sa labas, at mamasyal sa magagandang lugar.” Sinabi naman ng sister na si Maira: “May kaibigan akong 90 years old na. Malaki ang agwat namin—57 taon. Pero madalas, nakakalimutan ko iyon kasi ang saya-saya namin ’pag magkasama kami. Nag-e-enjoy rin kaming manood nang magkasama. Kapag may mga problema kami, humihingi kami ng payo sa isa’t isa.”

16. Bakit makakatulong sa mga may-edad kung sasamahan natin sila sa doktor?

16 Samahan sila kapag may checkup sila. Bukod sa paghatid sa mga may-edad, puwede mo rin silang samahan habang kausap nila ang doktor. Makakatulong iyan para masiguradong naaasikaso sila at naibibigay ang tulong na kailangan nila. (Isa. 1:17) Puwede mo ring ilista para sa kanila ang mga sinasabi ng doktor. Ikinuwento ng may-edad nang sister na si Ruth: “Kapag mag-isa lang akong nagpapa-checkup, madalas, hindi ako sineseryoso. May mga doktor pa nga na nagsasabi, ‘Wala ka namang sakit. Nasa isip mo lang iyan.’ Pero kapag may kasama ako, ibang-iba ang trato nila sa akin. Kaya nagpapasalamat ako sa mga kapatid na sumasama sa akin kapag nagpapadoktor ako.”

17. Paano mo masasamahan sa ministeryo ang mga may-edad?

17 Samahan sila sa ministeryo. Baka hindi na kayang magbahay-bahay ng mga may-edad nang kapatid. Ano ang mga puwede mong gawin para sa kanila? Baka puwede mong yayain ang isang may-edad nang sister na samahan ka sa cart witnessing. Puwede ka pa ngang magdala ng upuan para makaupo siya malapit sa cart. O baka puwede mong yayain sa pagba-Bible study ang isang may-edad nang brother. Baka puwede mo pa ngang gawin ang pag-aaral sa bahay niya. May magagawa rin ang mga elder para maging mas madali sa mga may-edad na makasama sa ministeryo. Kapag magtitipon para sa paglabas, puwede nilang gawing tagpuan ang bahay ng mga may-edad. Anumang pagsisikap ang gawin natin para tulungan ang mga may-edad, siguradong mapapasaya natin si Jehova.​—Kaw. 3:27; Roma 12:10.

18. Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?

18 Ipinaalala sa atin ng artikulong ito na mahal na mahal ni Jehova ang mga may-edad. At ganiyan din ang nararamdaman ng buong kongregasyon! Maraming hamon sa pagtanda. Pero sa tulong ni Jehova, makakapanatili kang masaya. (Awit 37:25) Siguradong gagaan ang loob mo kapag inisip mong may mas masaya pang buhay na naghihintay sa iyo sa hinaharap. Pero paano naman kung ikaw ang nag-aalaga sa isang may-edad nang kapamilya, isang may-sakit na kaibigan, o isang bata? Paano ka makakapanatiling masaya? Sasagutin natin iyan sa susunod na artikulo.

ANO ANG SAGOT MO?

  • Bakit posibleng mawala ang kagalakan ng mga may-edad nating kapatid?

  • Ano ang mga puwedeng gawin ng mga may-edad para makapanatiling masaya?

  • Paano natin matutulungan ang mga may-edad?

AWIT BLG. 30 Aking Kaibigan, Diyos, at Ama

a Panoorin sa jw.org o sa JW Library® ang video na Mga May-edad—Mahalaga ang Inyong Papel.

b KARAGDAGANG PALIWANAG: Ang kagalakan ay isa sa mga katangian na bunga ng banal na espiritu. (Gal. 5:22) Nagmumula ang tunay na kagalakan sa pagkakaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share