PANANALITA SA BIBLIYA
Ibahagi ang Iyong “Pagpapala Mula sa Diyos”
Masaya tayo kapag kasama natin ang mga kapatid. Pero hindi sapat na basta kasama lang natin sila. Sinasabi ng Bibliya na dapat din tayong magbahagi sa kanila ng mga “pagpapala mula sa Diyos.” (Roma 1:11, 12) Paano natin magagawa iyan?
Patibayin ang iba sa mga sinasabi mo. Halimbawa, hindi natin ipinopokus sa sarili natin ang mga komento natin sa pulong. Sinasabi natin sa mga komento natin ang mga natututuhan natin tungkol kay Jehova, sa Bibliya, at sa mga lingkod niya. Kapag nakikipagkuwentuhan naman tayo sa mga kapatid, magandang pag-usapan ang mga bagay na magpapatibay sa pananampalataya nila.
Patibayin ang iba sa mga ginagawa mo. May mga kapatid na naglilingkod pa rin nang buong panahon kahit may mga problema sila. May iba naman na lagi pa ring dumadalo sa mga midweek meeting kahit pagod sila sa trabaho o may malalang sakit.
Napapatibay mo ba ang mga kapatid sa mga sinasabi at ginagawa mo? At pinapahalagahan mo rin ba ang mga pagpapatibay nila sa iyo?