Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb14 p. 168
  • Determinadong Maglingkod kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Determinadong Maglingkod kay Jehova
  • 2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Nabihag ng Sierra Leone ang Puso Ko
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Malaking Impluwensiya sa Buhay Ko ang Paggawa ng Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mas Mainam Kaysa sa mga Diamante
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Nakatakas Kami Mula sa mga Rebelde
    2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb14 p. 168

SIERRA LEONE AT GUINEA

Determinadong Maglingkod kay Jehova

Philip Tengbeh

Philip Tengbeh

  • ISINILANG 1966

  • NABAUTISMUHAN 1997

  • Isa sa mga lumikas na tumulong sa pagtatayo ng limang Kingdom Hall.

Larawan sa pahina 168

NOONG 1991, lumikas kami ng asawa kong si Satta nang lusubin ng mga rebelde ang aming lugar, ang Koindu, Sierra Leone. Mula noon, walong taon kaming nagpalipat-lipat sa maraming kampo. Kapos kami sa pagkain, nagkakasakit, at napapaligiran ng imoral na mga kapitbahay sa kampo.

Sa bawat kampo, hinihiling namin sa mga nangangasiwa na pagkalooban kami ng lote para pagtayuan ng Kingdom Hall. Kung minsan, napagbibigyan kami, minsan naman, hindi. Pero anuman ang sitwasyon, lagi kaming nagsasaayos ng isang lugar para sa pagsamba. Determinado kaming maglingkod kay Jehova. Nang maglaon, apat nang Kingdom Hall ang naitayo namin sa mga kampo.

Nang matapos ang digmaan, hindi na kami makabalik sa aming bahay. Hindi kasi puwedeng panirahan ang Koindu dahil sa maraming taon ng digmaan. Kaya dinala kami sa isa pang kampo malapit sa Bo. Sa tulong ng pondo mula sa tanggapang pansangay, naitayo namin doon ang panlimang Kingdom Hall.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share