Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb15 p. 166-p. 167 par. 3
  • Ang Unang Bingi na Tumanggap ng Katotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Unang Bingi na Tumanggap ng Katotohanan
  • 2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Pinasinag ni Jehova ang Kaniyang Mukha sa Kanila’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Maging Alisto sa Paghahanap ng mga Taong Bingi sa Inyong Teritoryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Ginantimpalaan ni Jehova ang mga Ginawa Ko
    Kuwento ng Buhay ng mga Saksi ni Jehova
  • Mahal ng Diyos ang mga Bingi
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb15 p. 166-p. 167 par. 3

DOMINICAN REPUBLIC

Ang Unang Bingi na Tumanggap ng Katotohanan

José Pérez

  • ISINILANG 1960

  • NABAUTISMUHAN 1982

  • Dahil sa pag-ibig ng mga kapatid, naakit sa katotohanan ang batang si José, kahit walang marunong mag-sign language sa kongregasyon.

Larawan sa pahina 166

NOONG bata pa ako, nabingi ako kaya nag-aral ako ng sign language sa isang paaralan para sa mga bingi. Sa edad na 11, nalaman ko ang katotohanan nang isang pamilyang Saksi sa lugar namin ang mag-anyaya sa akin na dumalo sa pulong. Kahit hindi ko naintindihan ang mga pahayag, ipinagpatuloy ko ang pagdalo dahil sa malugod na pagtanggap sa akin. Marami sa kongregasyon ang nag-anyaya sa akin na kumain at sumama sa iba pang gawain.

Naging mamamahayag ako noong 1982, at nabautismuhan ako nang taon ding iyon. Noong 1984, ikinasal kami ni Eva, na isa ring bingi. Kahit hindi malalim ang pagkaunawa namin sa ilang katotohanan sa Bibliya, nakilala namin na ito ang organisasyon ni Jehova dahil sa pag-ibig ng mga kapatid, at tuwang-tuwa kaming mapabilang sa kongregasyon.​—Juan 13:35.

Noong 1992, isinaayos ang pagtuturo ng American Sign Language (ASL) sa ilang kapatid. Agad na hinanap ng mga mamamahayag na ito ang mga bingi para ibahagi sa kanila ang mabuting balita. Noong 1994, lalong sumigla ang gawain sa larangan ng sign language nang isang mag-asawa mula sa Puerto Rico ang anyayahan sa sangay para magturo ng sign language sa 25 kapatid.

Nang huling bahagi ng taóng iyon, dumalo kami ni Eva sa mga pulong ng bagong-tatag na grupo ng sign language. Habang dumadalo kami sa mga pulong ng sign language, saka lang namin naintindihan nang lubusan ang mga detalye tungkol sa mga turo ng Bibliya gaya ng hamon ni Satanas sa pansansinukob na soberanya ni Jehova at ng papel ng Mesiyanikong Kaharian sa layunin ng Diyos.

Noong Disyembre 1, 1995, itinatag ang mga kongregasyong ASL sa Santo Domingo at sa Santiago. Pagsapit ng Agosto 2014, ang sign language ay mayroon nang 26 na kongregasyon at 18 grupo.

Sign language ang wikang itinuro namin ni Eva sa aming tatlong anak. Ang panganay naming si Éber ay nasa sangay sa Estados Unidos at tumutulong sa pagsasalin sa sign language. Ako ay isang ministeryal na lingkod sa kongregasyon, at si Eva naman ay isang regular pioneer.

Pagsulong sa teritoryo ng American Sign Language mula 1995 hanggang 2014

  • 1995

    2 kongregasyon

    Larawan sa pahina 167
  • 2014

    26 na kongregasyon, 18 grupo

    Larawan sa pahina 167
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share