GEORGIA
Nabasa Ko Mismo Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya!
Pepo Devidze
ISINILANG 1976
NABAUTISMUHAN 1993
Pinalaki siya sa turo ng Simbahang Ortodokso ng Georgia at mahigpit na sinusunod ang mga tradisyon nito. Pagkatapos malaman ang katotohanang nasa Bibliya, nagtrabaho siya sa Bethel kasama ng kaniyang mister. Kasalukuyang naglilingkod sila bilang mga special pioneer.
UNA kong narinig ang tungkol sa mga Saksi noong nag-aaral ako sa kolehiyo sa lunsod ng Kutaisi. Isang kapitbahay ang nagsabi sa akin na ang mga Saksi ay hindi gumagamit ng mga imahen sa kanilang pagsamba, at hindi sila naniniwala na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Salungat ito sa mga paniniwala ko bilang Kristiyanong Ortodokso.
Pag-uwi ko sa aming bayan sa Tsageri noong tag-araw ng 1992, nalaman kong aktibo rin doon ang mga Saksi. Maraming magagandang bagay tungkol sa mga Saksi ang narinig ni Inay. Dahil may negatibo akong pananaw sa kanila, sinabi niya, “Pumunta ka at suriin mo mismo ang mga turo nila.”
Regular na dinadalaw ng dalawang brother na payunir, sina Pavle at Paata, ang isang pamilya sa aming pamayanan. Sinamantala ng maraming kapitbahay na makinig sa kanila at magtanong. Kaya nagpasiya akong daluhan ang mga talakayang iyon. Tuwing magtatanong ako, binubuksan ng mga brother ang Bibliya at ipinababasa iyon sa akin. Talagang namangha ako—nabasa ko mismo kung ano ang sinasabi ng Bibliya!
Di-nagtagal, sumama na ako sa grupong tinuturuan ng Bibliya ng mga brother. Nang sumunod na tag-araw, 10 sa amin ang nabautismuhan. Nang maglaon, naging Saksi ni Jehova na rin si Inay.
Nagpapasalamat ako na sinagot ng mga brother ang lahat ng tanong ko sa pamamagitan ng pagpapabasa sa akin ng mga sagot mula sa Bibliya. Nakatulong ito sa akin na lutasin ang mga tanong na bumangon sa isip ko tungkol sa aking mga paniniwala. Dahil malaki ang naitulong sa akin ng pagbabasa ng Bibliya, ginagamit ko ang paraang ito para tulungan ang iba na pahalagahan ang katotohanan!