Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 171
  • Ano ang Hitsura ng Diyablo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Hitsura ng Diyablo?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Paano inilalarawan ng Bibliya ang Diyablo?
  • Salansangin si Satanas, at Tatakas Siya!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • “Salansangin Ninyo ang Diyablo” Gaya ng Ginawa ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Isang Kaaway ng Buhay na Walang-Hanggan
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 171

Ano ang Hitsura ng Diyablo?

Ang sagot ng Bibliya

Ang Diyablo ay isang di-nakikitang espiritu, kaya wala siyang pisikal na katawan.—Efeso 6:11, 12.

Isang kilalang paglalarawan sa Diyablo na may hawak na malaking tinidor. May pagkakatulad siya sa isang kambing, na may sungay at buntot.

Madalas ilarawan ang Diyablo na isang nilalang na may pagkakahawig sa kambing, na may sungay, buntot, at malaking tinidor. Naniniwala ang ilan na ang ganitong paglalarawan sa Diyablo ay mula sa sinaunang mga artist na malamang na naimpluwensiyahan ng alamat at mitolohiya.

  • Paano inilalarawan ng Bibliya ang Diyablo?

  • Mga teksto tungkol sa Diyablo

Paano inilalarawan ng Bibliya ang Diyablo?

Gumagamit ang Bibliya ng ilang paghahalintulad tungkol sa Diyablo. Tinutulungan tayo ng mga ito na maintindihan ang kaniyang mga ugali, at hindi ang kaniyang hitsura. Ito ang ilan sa mga paghahalintulad:

  • Isang anghel ng liwanag. Pinapaniwala niya ang mga tao na maganda ang iniaalok niya sa kanila para siya ang sundin nila, imbes na ang Diyos.—2 Corinto 11:14.

  • Isang umuungal na leon. Walang awa niyang inaatake ang mga mananamba ng Diyos.—1 Pedro 5:8.

  • Isang malaking dragon. Nakakatakot siya, malakas, at mapaminsala.—Apocalipsis 12:9.

Mga teksto tungkol sa Diyablo

  • 2 Corinto 11:14: “Si Satanas mismo ay laging nagkukunwaring isang anghel ng liwanag.”

    Ibig sabihin: Nagkukunwaring mabuti si Satanas para lokohin ang mga tao na sundin ang itinuturo niya, imbes na ang itinuturo ng Diyos.

  • Efeso 6:11: “Isuot ninyo ang kumpletong kasuotang pandigma mula sa Diyos para maging matatag kayo sa kabila ng tusong mga pakana ng Diyablo.”

    Ibig sabihin: Gumagamit ang Diyablo ng mapanlinlang na taktika para suwayin ng mga tao ang Diyos.

  • Santiago 4:7: “Magpasakop kayo sa Diyos; pero labanan ninyo ang Diyablo, at lalayo siya sa inyo.”

    Ibig sabihin: Puwedeng matalo ng isang tao si Satanas kung susundin niya ang Diyos, hindi ang Diyablo.

  • 1 Pedro 5:8: “Ang kalaban ninyo, ang Diyablo, ay gumagala-gala gaya ng isang umuungal na leon, na naghahanap ng malalapa.”

    Ibig sabihin: Galít ang Diyablo sa mga sumusunod sa Diyos, at gusto niyang sirain ang kaugnayan nila sa Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share