Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwhf artikulo 17
  • Tulungan ang mga Anak Kapag Nakapanood Sila ng Masasamang Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang mga Anak Kapag Nakapanood Sila ng Masasamang Balita
  • Tulong Para sa Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang epekto sa mga bata ng mga balita?
  • Paano mo tutulungan ang mga anak mo para hindi sila mag-alala dahil sa mga balita?
  • Ang Masasamang Balita at ang Iyong mga Anak
    Gumising!—2012
  • “Narito Kami! Isugo N’yo Kami!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Paano Magiging Masaya ang Pamilya Mo?​—Bahagi 2
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Tulong Para sa Pamilya
ijwhf artikulo 17
Pamilyang nanonood ng TV. Na-realize ng tatay na naaapektuhan na ang anak niya ng masamang balita.

TULONG PARA SA PAMILYA | PAGPAPALAKI NG MGA ANAK

Tulungan ang mga Anak Kapag Nakapanood Sila ng Masasamang Balita

Napakadaling ma-access ang nakakatakot na mga balita sa TV, cellphone, tablet, at computer. At madalas may kasama pa itong mga detalyadong video.

At napapanood iyan kahit ng mga bata.

Paano mo matutulungan ang mga anak mo para hindi sila masyadong mag-alala dahil sa masasamang balita?

  • Ano ang epekto sa mga bata ng mga balita?

  • Paano mo tutulungan ang mga anak mo para hindi sila mag-alala dahil sa mga balita?

  • Ano ang puwede mong gawin kung makakita ng masamang pangyayari ang anak mo?

Ano ang epekto sa mga bata ng mga balita?

  • Maraming bata ang nag-aalala dahil sa masasamang balita na napapanood nila. May mga bata na hindi nagsasabi ng nararamdaman nila, pero apektadong-apektado na pala sila ng mga napapanood nila.a At baka mas lalo silang mag-alala kapag nakita nilang nag-aalala rin ang mga magulang nila.

  • Baka mali ang pagkaintindi ng mga bata sa mga nakikita nila sa balita. Halimbawa, iniisip ng ilan na mangyayari din sa pamilya nila ang napanood nila sa balita. At kapag paulit-ulit na napapanood ng maliliit na bata ang video ng isang masamang pangyayari, baka isipin nila na paulit-ulit din itong nangyayari.

  • Baka ang ma-imagine ng mga bata sa napanood nilang balita ay mas malala kaysa sa totoong nangyari. Hindi nila alam na ang mga news agency ay negosyo. Miyentras marami ang nanonood, mas malaki ang kita. Kaya baka gawin nilang sensational ang isang balita para patuloy itong panoorin ng mga tao.

Paano mo tutulungan ang mga anak mo para hindi sila mag-alala dahil sa mga balita?

  • Limitahan ang panonood nila ng masasamang balita. Hindi naman ibig sabihin nito na wala na silang alam sa nangyayari sa mundo. Pero hindi rin makakabuti sa kanila kung paulit-ulit nilang mapapanood o maririnig ang isang masamang balita.

    “Kung minsan, pinag-uusapan namin nang detalyado ang isang balita, pero hindi namin namamalayang naaapektuhan na pala ang mga anak namin sa mga naririnig nila sa amin.”—Maria.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng tao.”—Kawikaan 12:25.

  • Matiyagang makinig, at magpakita ng empatiya. Kung nahihirapan ang anak mo na sabihin ang nararamdaman niya tungkol sa napanood niya, ipadrowing mo na lang iyon sa kaniya. Pag-usapan ang mga ikinababahala ng anak mo. Gumamit ng mga salitang maiintindihan niya, pero iwasang pag-usapan ang mga detalye na hindi naman niya kailangang malaman.

    “Gumagaan ang pakiramdam ng anak namin pagkatapos naming mapakinggan ang mga ikinababahala niya. Hindi nakakatulong kung basta na lang namin sasabihin sa kaniya, ‘Ganiyan na talaga ngayon, masanay ka na.’”—Sarahi.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Maging mabilis sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.

  • Tulungan ang anak mo na maintindihan ang mga balita. Halimbawa, kapag may balita tungkol sa isang kidnapping, baka maisip ng anak mo na malaki talaga ang posibilidad na mangyari iyon. Ipaliwanag sa anak mo kung ano ang mga ginawa mong hakbang para matiyak na ligtas sila. Tandaan din na kaya nababalita ang isang trahedya ay dahil bihira itong mangyari.

    “Tulungan ang mga anak mo na huwag masyadong mag-alala. Kadalasan kasi, ’yong nararamdaman nila ay resulta ng iniisip nila. Kaya kung tutulungan natin silang mag-isip nang positibo, gagaan ang pakiramdam nila.”—Lourdes.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang puso ng marunong ay nagbibigay ng kaunawaan sa bibig niya at nagdaragdag ng panghihikayat sa pananalita niya.”—Kawikaan 16:23.

a Kapag hindi mapalagay ang maliliit na bata, posibleng maihi sila sa kama habang natutulog o matakot silang pumasok sa school at mahiwalay sa mga magulang nila.

Ano ang puwede mong gawin kung makakita ng masamang pangyayari ang anak mo?

Noong Mayo 7, 2019, dalawang kabataan ang namaril sa isang school sa Highlands Ranch, Colorado, U.S.A. Isang estudyante ang namatay at walo naman ang sugatán. Si Jack, siyam na taóng gulang, ay isang estudyante sa school na iyon at nandoon siya nang mangyari ang pamamaril. Ikukuwento ng mga magulang niyang sina Ben at Casey kung paano nila tinulungan si Jack pagkatapos ng insidenteng iyon.

Si Ben at Casey.

Ano ang epekto sa inyong anak ng nangyaring pamamaril?

Casey: Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ilang buwan ding alalang-alala si Jack.

Ben: May mga pagkakataon na masayang-masaya naman siya, tapos bigla na lang siyang matatakot at yayakap sa amin kapag naalala niya ang nangyari. Mula noon, lagi nang naiisip ni Jack na may masamang mangyayari. Hindi mo naman siya masisisi kasi sobrang hirap talaga ng pinagdaanan niya.

Pinanood n’yo ba ang balita tungkol sa pamamaril?

Casey: Noong una, oo. Kasama pa nga namin si Jack na nanonood. Halos isang linggo rin kaming nakasubaybay sa balitang iyon. Pero na-realize naming mag-asawa na lalo lang naaalala ni Jack ang nangyari kapag nanonood kami ng balita. Imbes na makalimutan namin ang nangyari, lagi lang pumapasok sa isip namin iyon.

Ano ang pinakanakatulong kay Jack?

Casey: Nakatulong ang exercise para mabawasan ang pag-aalala ni Jack, kaya sinikap naming gawin iyon araw-araw. Pero ang higit na nakatulong kay Jack ay ang pakikinig namin sa kaniya. Napansin ko na kapag gabi na, kapag tahimik na ang paligid, sinasabi ni Jack ang lahat ng nararamdaman niya. Kung minsan, inaabot kami nang isang oras. Malaking tulong talaga iyon sa kaniya kasi alam ni Jack na hindi siya nag-iisa.

Ano ang maipapayo ninyo sa mga magulang na may mga anak din na nakaranas ng trahedya?

Ben: Mahalagang maramdaman ng mga anak na ligtas sila sa loob ng pamilya bago pa may mangyaring trahedya. Para kung sakali mang makaranas sila ng ganoon, mas madali mo na silang matutulungan.

Casey: Magkakaiba ang bawat bata. May mga bata na mas sensitibo. Baka isipin ng ibang tao na overprotective ka, pero ibigay mo lang ang kailangan ng anak mo. Patibayin ang ugnayan ninyong pamilya para madama ng inyong anak na panatag siya sa loob ng tahanan kahit nakakatakot ang mundo sa labas.

Review: Paano mo tutulungan ang mga anak mo kapag nakapanood sila ng masasamang balita?

  • Limitahan ang panonood nila ng masasamang balita.

  • Matiyagang makinig, at magpakita ng empatiya.

  • Tulungan ang inyong mga anak na maintindihan ang mga balita.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share