Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 16
  • Tulong sa mga Biktima ng Pang-aabuso sa Loob ng Pamilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong sa mga Biktima ng Pang-aabuso sa Loob ng Pamilya
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung inaabuso ka ng iyong partner o asawa, hindi mo ito kasalanan
  • May makakatulong sa iyo
  • Hindi ka nag-iisa
  • Magwawakas ang pang-aabuso sa loob ng pamilya
  • “Isang Panahon ng Paggaling”
    Gumising!—1991
  • Wakas ng Karahasan sa Pamilya
    Gumising!—1993
  • Ang Lihim na mga Sugat ng Damdamin na Likha ng Pag-abuso sa Bata
    Gumising!—1991
  • Anu-ano ang Dahilan ng Karahasan sa Pamilya?
    Gumising!—1993
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 16
Isang babaeng tulala.

Tulong sa mga Biktima ng Pang-aabuso sa Loob ng Pamilya

“Maraming babae sa buong mundo ang biktima ng karahasan. Ang problemang ito ng lipunan ay parang kumakalat na epidemya at dapat matigil na ito,” ang sabi ng World Health Organization. Tinataya ng organisasyong ito na halos 30 porsiyento ng “lahat ng kababaihan na may-asawa o karelasyon ay nakaranas ng pisikal at/o seksuwal na karahasan” mula sa kanilang partner. At tinataya ng isang kamakailang report ng UN na araw-araw, 137 babae sa buong mundo ang pinapatay ng kanilang kapartner o ibang miyembro ng pamilya.a

Makikita sa mga estadistika kung gaano kalaking problema ang karahasan sa loob ng pamilya, pero hindi nito sinasabi ang emosyonal at pisikal na kirot na nararamdaman ng mga biktima.

Biktima ka ba ng pang-aabuso sa loob ng pamilya? O may kakilala ka bang biktima? Kung oo, tingnan ang mga payo ng Bibliya na makakatulong.

Kung inaabuso ka ng iyong partner o asawa, hindi mo ito kasalanan

May makakatulong sa iyo

Hindi ka nag-iisa

Magwawakas ang pang-aabuso sa loob ng pamilya

Kung paano mo matutulungan ang isang biktima

Kung inaabuso ka ng iyong partner o asawa, hindi mo ito kasalanan

Ang sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa sa atin ay mananagot sa Diyos para sa kaniyang sarili.”—Roma 14:12.

Tandaan: Ang nang-aabuso ay mananagot sa kaniyang ginagawa.

Kung sinisisi ka ng iyong partner sa pang-aabuso niya sa iyo, mali siya. Ang mga asawang babae ay dapat mahalin, hindi dapat abusuhin.—Colosas 3:19.

Kung minsan, ang nang-aabuso ay maaaring dahil sa diperensiya sa isip, kinalakhang pamilya, o labis na pag-inom ng alak. Pero mananagot pa rin siya sa Diyos sa pagtrato niya sa iyo. At pananagutan niyang baguhin ang kaniyang paggawi.

May makakatulong sa iyo

Ang sinasabi ng Bibliya: “Nagtatagumpay [ang plano] kapag marami ang tagapayo.”—Kawikaan 15:22.

Tandaan: Kung nadarama mong hindi ka ligtas o hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, matutulungan ka ng iba.

Bakit kailangan mo ng tulong? Ang pang-aabuso sa loob ng pamilya ay isang komplikadong sitwasyon. Bago magpasiya, pag-isipan ang mga sumusunod:

  • Kaligtasan mo

  • Kung ano ang mabuti para sa mga anak mo

  • Ang pinansiyal na kalagayan mo

  • Ang pag-ibig mo sa partner mo

  • Kung gusto mo pa siyang makasama kapag nagbago siya

Baka malito ka at hindi mo alam ang gagawin. Kanino ka makakahingi ng tulong?

May mapagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya ka na puwedeng tumulong sa iyo sa praktikal at emosyonal na paraan. Malaki ang magagawa ng pakikipag-usap sa iba.

May mga hotline para sa mga biktima ng karahasan sa loob ng pamilya na puwedeng makatulong agad. Masasabi nila sa iyo ang mga puwede mong gawin para protektahan ang iyong sarili. Kung tinatanggap ng partner mo na kailangan niya ng tulong para magbago, makakatulong sila sa kaniya.

May iba pang emergency resources na makakatulong sa iyo kung nanganganib ka. Kasama rito ang mga doktor, nurse, o iba pang sinanay na propesyonal sa larangang ito.

Hindi ka nag-iisa

Ang sinasabi ng Bibliya: “Si Jehovab ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.”—Awit 34:18.

Tandaan: Nangangako ang Diyos na tutulungan ka niya.

Si Jehova ay nagmamalasakit sa iyo. (1 Pedro 5:7) Nauunawaan niya ang mga iniisip at nadarama mo. Puwede ka niyang patibayin gamit ang Kaniyang Salita, ang Bibliya. Gusto niyang manalangin ka sa kaniya. Kapag nananalangin ka, hilingin mo na bigyan ka niya ng karunungan at lakas na kailangan mo para maharap ang sitwasyon.—Isaias 41:10.

Magwawakas ang pang-aabuso sa loob ng pamilya

Ang sinasabi ng Bibliya: “Maninirahan ang bawat isa sa kanila sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang tatakot sa kanila.”—Mikas 4:4, talababa.

Tandaan: Nangangako ang Bibliya na sa malapit na hinaharap, magiging mapayapa ang lahat ng tahanan.

Ang Diyos na Jehova lang ang may kumpleto at permanenteng solusyon sa lahat ng ating problema. Nangangako ang Bibliya: “Papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.” (Apocalipsis 21:4) Sa panahong iyon, mawawala na ang di-magagandang alaala at papalitan ito ng masasayang alaala. (Isaias 65:17) Ito ang mapayapang kinabukasan na iniaalok sa iyo ng Bibliya.

a Tinutukoy sa artikulong ito ang mga babae, pero puwede rin itong tumukoy sa mga lalaki.

b Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

Kung paano mo matutulungan ang isang biktima

May kilala ka bang biktima ng pang-aabuso sa loob ng pamilya? Kahit wala kang pagsasanay, puwede mo pa rin siyang tulungan.c

Makinig at magpakita ng empatiya. (Santiago 1:19) Sabihin mo sa kaniya na handa kang makinig, pero huwag mo siyang piliting magsalita. Tiyakin mo sa kaniya na naniniwala ka sa sinasabi niya.—Kawikaan 20:5.

Sinasabi ng isang reperensiya tungkol sa karahasan sa loob ng pamilya: “Baka napakahirap para sa kaniya na magsabi sa iyo. Imbes na mag-imbento o palakihin ang ginagawang pang-aabuso sa kaniya, posible itong itago o hindi sabihin lahat sa iyo ng [biktima]. Baka hindi mo maisip na magagawang mang-abuso ng kakilala mo. Pero malamang na iba ang ipinapakita ng taong nang-aabuso kapag kasama ka niya at kapag kasama niya ang biktima.”

Magsalita nang nakakapagpatibay. (1 Tesalonica 5:11) Kausapin siya at ipadama sa kaniya na mahalaga siya. Sabihin mong nagmamalasakit ka sa kaniya. Ipaalaala sa kaniya ang magaganda niyang katangian. At himukin siyang humingi ng tulong.

Tumulong. (Kawikaan 17:17) Bigyan siya ng praktikal na tulong, gaya ng pansamantalang pag-aalaga sa mga anak niya o pagbibigay ng pagkain. Alamin kung mayroon siyang safety plan, at isang lugar na mapupuntahan sakaling may emergency.

Tulungan siyang magtiwala sa mga gagawin niyang desisyon. (Galacia 6:5) Bigyan mo siya ng impormasyon, at pag-usapan ang posibleng mga opsiyon. Pero huwag mo siyang diktahan ng gagawin niya.

c Kung nag-aalala ka tungkol sa isang biktima na di-kasekso, makakabuting limitahan ang pagtulong mo at himukin mo siyang magpatulong sa isang mapagkakatiwalaang kaibigang babae.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share