Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 25
  • Sino ang Magliligtas sa Lupa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Magliligtas sa Lupa?
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maililigtas ba ng mga tao ang lupa?
  • May pag-asa
  • Magugunaw Ba ang Mundo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Tuluyan Na Bang Sisirain ng Tao ang Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin
    Gumising!—2023
  • Di-kumukupas na Regalo Mula sa Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 25
Batang babaeng nagdidilig ng bulaklak. Makikita sa malayo ang mga gusaling nagiging dahilan ng polusyon.

Sino ang Magliligtas sa Lupa?

Nag-aalala ang marami dahil sinisira ng mga tao ang lupa at naaapektuhan ang mga nabubuhay dito. Sinabi ng ilang eksperto sa kalikasan na napakatindi na ng nagagawang pinsala ng mga tao ngayon. Dahil diyan, nanganganib ang maraming uri ng buhay sa lupa.

Tuluyan bang masisira ng mga tao ang lupa? O matututo kaya silang mabuhay nang hindi sinisira ang kalikasan?

Maililigtas ba ng mga tao ang lupa?

Naniniwala ang maraming eksperto na kayang protektahan ng mga tao ang lupa at mabuhay nang hindi ito sinisira. Sinasabi ng ilang mananaliksik na magagawa lang ito kung sabay-sabay na gagawin ang iba’t ibang klase ng pagbabago gaya ng:

  • Pagpapabuti ng pangangalaga sa mga lupain, gubat, latian, at dagat.

  • Paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagtatanim at pinagkukunan ng enerhiya.

  • Pagbabago sa sistema ng pagsusuplay ng pagkain—mas maraming gulay at prutas at mas kaunting karne at isda. Babawasan din ang pagkonsumo at pag-aaksaya ng pagkain.

  • Pagtanggap na ang masayang buhay ay hindi nakadepende sa dami ng ari-arian.

Ano sa palagay mo? Makatotohanan bang isipin na magtutulungan sa ganiyang paraan ang mga nasa gobyerno, negosyante, at iba pang tao? O naiisip mo bang imposible ito dahil sa mga taong sakim, makasarili, at walang pakialam sa mangyayari sa hinaharap?—2 Timoteo 3:1-5.

May pag-asa

Sinasabi ng Bibliya na hindi tuluyang masisira ang ating planeta. Ipinapaliwanag nito kung bakit hindi kayang iligtas ng mga tao ang lupa. Sinasabi rin nito kung ano ang dapat baguhin at kung paano ito mangyayari.

Kung bakit hindi kayang iligtas ng mga tao ang lupa. Nilalang ng Diyos na Jehovaa ang lupa, at ibinigay niya sa mga tao ang responsibilidad na alagaan ito. (Genesis 1:28; 2:15) Magagawa lang nila iyan kung susundin nila ang patnubay ng kanilang Maylalang. (Kawikaan 20:24) Pero sinuway nila si Jehova at nagsarili sila. (Eclesiastes 7:29) Hindi kayang alagaan ng mga tao ang lupa nang sila lang. At kahit magsikap pa sila nang husto, limitado lang ang kaya nilang gawin.—Kawikaan 21:30; Jeremias 10:23.

Kung ano ang dapat baguhin. Aalisin ng Diyos ang mga taong nagpapahamak sa lupa. (Apocalipsis 11:18) Hindi niya planong ayusin ang mga gobyerno at ang lipunan ng tao na sumisira sa ating planeta; papalitan niya ang mga ito. (Apocalipsis 21:1) Kaya sinabi ni Jehova: “Tingnan mo! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.”—Apocalipsis 21:5.

Kung paano mangyayari ang pagbabago. Papalitan ni Jehova ang mga gobyerno ng tao ng gobyernong nasa langit. Tinatawag itong Kaharian ng Diyos. Pamamahalaan ng gobyernong ito ang buong lupa sa ilalim ng pangunguna ni Jesu-Kristo.—Daniel 2:44; Mateo 6:10.

Ituturo ng Kaharian ng Diyos sa mga tao kung paano mamumuhay ayon sa pamantayan ng Diyos. Kung kikilalanin nila na ang Diyos ang Maylalang at susundin ang utos niya, kaya nilang mabuhay nang hindi sinisira ang kalikasan. (Isaias 11:9) Ipinapakita ng Bibliya na sa ilalim ng gobyerno ng Diyos, magiging masaya ang buhay ng mga tao nang hindi nasisira ang planeta. Ano-ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos?

  • Maglalaan ito ng pagkain para sa lahat.—Awit 72:16.

  • Ibabalik nito ang dating ganda ng lupa.—Isaias 35:1, 2, 6, 7.

  • Titiyakin nitong maaalagaan ng mga tao ang mga hayop at na hindi sila sasaktan ng mga ito.—Isaias 11:6-8; Oseas 2:18.

  • Aalisin nito ang mga likas na sakuna.—Marcos 4:37-41.

Malapit nang gawin ng Kaharian ng Diyos ang mga pagbabagong ito. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Kailan Mamamahala sa Lupa ang Kaharian ng Diyos?”

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.

Ano ang magagawa natin ngayon para mapangalagaan ang ating planeta?

Habang hinihintay nating solusyunan ng Kaharian ng Diyos ang mga problema sa lupa, may mga puwede tayong gawin ngayon para maalagaan ang planeta natin. Halimbawa, puwede nating iwasan ang pag-aaksaya at sumunod sa mga patakaran sa pagtatapon ng basura sa lugar natin.—Juan 6:12, 13; Roma 13:1, 5.

  • Si Brett.

    Nakatulong kay Brett, isang environmental consultant noon, ang napag-aralan niya sa ekolohiya para maniwalang may isang Maylalang na magliligtas sa lupa. Basahin ang kuwento niya.

  • Dalawang construction worker na nakatingin sa mga bagong-tayong gusali sa Pandaigdig na Punong-Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova.

    Bilang paggalang sa kanilang Maylalang, gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng mga paraang hindi nakakasamâ sa kalikasan sa mga proyekto nila ng pagtatayo. Para malaman ang mga ginawa nila, panoorin ang video na Eco-Friendly Design Brings Honor to Jehovah.

Mga teksto sa Bibliya tungkol sa lupa

Genesis 2:15: “Inilagay ng Diyos na Jehova ang tao sa hardin ng Eden para sakahin iyon at alagaan.”

Ibig sabihin: Ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao ang pangangalaga sa lupa.

Genesis 1:28: “Pinagpala sila ng Diyos at sinabi: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at pangasiwaan iyon, at pamahalaan ninyo ang mga isda sa dagat at lumilipad na mga nilalang sa langit at bawat buháy na nilalang na gumagala sa ibabaw ng lupa.’”

Ibig sabihin: Inatasan ang mga tao na alagaan ang mga hayop.

Isaias 45:18: “Ito ang sinabi ni Jehova, ang Maylalang ng langit, ang tunay na Diyos, ang gumawa sa lupa, ang Maylikha nito na nagpatatag dito, na hindi lumalang nito nang walang dahilan, kundi lumikha nito para tirhan: ‘Ako si Jehova, at wala nang iba pa.’”

Ibig sabihin: Hindi nagbago ang layunin ng Diyos para sa lupa. Titirhan ito ng mga tao na makikiisa sa layunin niya.

Awit 37:29: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”

Ibig sabihin: May pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa ang mga taong namumuhay ayon sa pamantayan ng Diyos.

Awit 98:6-8: “Humiyaw kayo dahil sa tagumpay sa harap ng Hari, si Jehova. Umugong ang dagat at ang lahat ng naroon, ang lupa at ang mga nakatira doon. Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay; sama-samang humiyaw sa kagalakan ang mga bundok.”

Ibig sabihin: Makakabuti sa kalikasan ang pamamahala ng Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share