Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 55
  • Pagkasira ng Lupa—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkasira ng Lupa—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Inihula ang pagkasira ng kalikasan
  • Siguradong magiging maayos ang lupa natin
  • Maiiwasan Ba ang mga Sakunang Resulta ng Climate Change Kahit Magkaisa ang mga Bansa?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Climate Change at ang Kinabukasan Natin—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Hindi Normal na Pagtaas ng Temperatura sa Buong Mundo—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • “Nilalagnat” ang Lupa—Malulunasan Pa Kaya Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 55
Larawan ng planetang Lupa mula sa kalawakan. Maayos ang kalahati nito pero mukhang sunog at sira ang kalahating bahagi.

PATULOY NA MAGBANTAY!

Pagkasira ng Lupa—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

“Dahil sa mga ginagawa ng tao, malapit na tayong dumating sa puntong lulubog sa baha ang malalaking lunsod. Makakaranas tayo ng matitinding heat wave, nakakatakot na mga bagyo, at kakulangan ng tubig sa maraming lugar. Mauubos ang milyon-milyong species ng mga halaman at hayop. Hindi ito basta kuwento lang o pagmamalabis. Ito ang sinasabi ng siyensiya na mangyayari kung hindi babaguhin ng mga gobyerno ang mga batas sa paggamit ng enerhiya.”—Pahayag ni António Guterres, secretary-general ng United Nations, tungkol sa report ng Intergovernmental Panel on Climate Change na inilabas noong Abril 4, 2022.

“Nagbababala ang mga scientist na sa susunod na mga taon, halos lahat ng 423 national park [sa United States] na madaling maapektuhan ng pagbabago ng temperatura ay masisira. Katulad ito ng mga sakunang ipinapahiwatig ng Bibliya: sunog at baha, natutunaw na mga yelo, pagtaas ng lebel ng dagat, at tumitinding mga heat wave.”—“Flooding Chaos in Yellowstone, a Sign of Crises to Come,” The New York Times, Hunyo 15, 2022.

Kaya pa bang solusyunan ang problemang ito ng lupa sa kalikasan? Kung oo, sino ang gagawa niyan? Tingnan ang sinasabi ng Bibliya.

Inihula ang pagkasira ng kalikasan

Sinasabi ng Bibliya na ‘ipapahamak ng Diyos ang mga nagpapahamak sa lupa.’ (Apocalipsis 11:18) May tatlong bagay na itinuturo sa atin ang tekstong ito sa Bibliya:

  1. 1. Dahil sa ginagawa ng mga tao, nasisira ang lupa.

  2. 2. Hindi magpapatuloy ang pagsira sa lupa.

  3. 3. Diyos ang gagawa ng solusyon sa mga problema sa kalikasan, hindi tao.

Siguradong magiging maayos ang lupa natin

Sinasabi ng Bibliya na “ang lupa ay mananatili magpakailanman.” (Eclesiastes 1:4) Titirhan ito magpakailanman.

  • “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”—Awit 37:29.

Ibabalik ang perpektong kalagayan ng lupa.

  • “Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya, at ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.”—Isaias 35:1.

Para matiyak na talagang ililigtas ng Diyos ang lupa, basahin ang artikulong “Sino ang Magliligtas sa Lupa?”

Para sa higit pang impormasyon kung bakit tayo makakasigurong hindi tuluyang masisira ng climate change ang lupa, basahin ang artikulong “Climate Change at ang Kinabukasan Natin—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?”

Para malaman kung paano ka matutulungan ng Bibliya sa mga problemang epekto ng pagkasira ng kalikasan, basahin ang artikulong “Napakasamang Lagay ng Panahon—Paano Makakatulong ang Bibliya?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share